Love- 59

73 0 0
                                    

Zara's POV

Naaligaga na kaming tatlo ng mga ate ko, bukas na kasi ang birthday ng kapatid naming si Arjay.

"Zara, ayos na ba yan?" Tanong ni Ate Ada sa akin.

"Yes, ate almost done" sagot ko dito at ngumiti ng malapad.

"Hyper as always my dear Zara" niyakap ako kaya yumakap din ako dito, I'm so thankful I have a wonderful family.

"O ayan na prince charming mo" biro ni Ate Ada, kaya napalingon ako sa papalapit ng nilalang ang gwapo si Ethan.

"Hi!" Tipid na bati nito sa amin, "Hello Ethan" bati ni Ate dito at tinapik pa sa balikat "O maiwan ko na kayo, may aayusin pa ako dun" paalam nito sa amin.

"Tapos ka na dyan?" tanong nito sa akin. "Almost" masigla kong sagot dito kaya tumango lang ito.

Nakita ko na dumating na ang mga kaibigan ni Arjay, surprise party kasi to at tutulong daw sila nasa venue kasi kami.

"Hello Ate Zara, Kuya Ethan" bati nila sa amin dalawa, binati ko din sila at tinanong paano nakatakas tong si Shei kay Arjay, sabi niya pinagtaguan daw niya.

Nakikinita ko na nakakunot-noo na naman yun kapatid kong yun.

"Ito isasabit ba ito?" tanong nito sa akin tumango lang ako, habang may dinidikit ako.

"Ang seryoso mo" puna nito sa akin, kaya dahan-dahan ko ito tinignan, pero nakangiti lang ito sa akin, kaya napanguso ako.

Loko tong lalaki to, pinagti-tripan ako, "O ito pa idikit mo mainis mo pa ako" biro ko dito at tumawa.

"Break time" sigaw ni Ate Yvonne, kaya kanya kanyang kaming lapit para merienda.

Naupo ako sa tabi niya habang kumakain ng sandwich, "Gutom ka o matakaw lang talaga?" Biro nito sa akin, tinignan ko siya ng masama.

"Hindi no, masarap lang yung gawang sandwich ni Ate" pagtanggi ko dito, totoo naman, di ako matakaw no.

Nagkibit-balikat lang siya sa akin kaya tinignan ng masama, baka maisama ko siya sa sandwich na kinakain ko, inirapan ko lang siya, wala ako sa mood makipagtalo sa kanya.

"Para kang bata" sita nito, magsasalita na sana ako, pero nahigit ko ang hininga ko ng hawakan niya ang gilid ng labi ko, napatitig ako sa mga mata nito, sheteng pagong napakagwapong nilalang naman kasi ng lalaking to. Napalunok ako, di ko maiwasang mapatingin sa labi niya.

"Hoy!" halos mapatalon ako ng may magsalita sa gilid ko, si Marian kasama si Josh.

"B-bakit?" nauutal na tanong ko sa mga ito, ito naman katabi ko sumandal lang sa upuan at ngingiti-ngiti, sapakin ko kaya to, ay wag na iki-kiss ko na lang.

"Dumating na kasi yung mga chairs and table Ate Zara" sabi ni Marian.

"A sige, sige pupuntahan ko na" nagmamadali akong umalis sa pwesto ko, nawala ako sa sarili ko, nalunod kasi ako sa mga mata niya e.

Inaliw ko na lang ang self ko sa pag-iistima kung saan ilalagay ang mga gamit, dapat ayos na ito para bukas chill na lang kami.

"Gosh, pagod!" sabi ko at pasalampak na naupo sa damuhan, maya-maya lumapit si Ethan inabutan niya ako ng bimpo at mineral water, sweet!

"Thanks!" naupo naman siya sa tabi ko at tinginan ako, di ko siya nililingon nahiya kasi ako sa nangyari kanina.

"Stop staring" sita ko dito at tumingin sa ibang dereksyon.

"I can help it, ang sarap mong pagmasdan" napatingin ako dito, kumindat lang siya at ngumiti.

Namula tuloy ang mukha ko, busit tong lalaking to, "Kainis ka" pinaghahampas ko siya sa braso.

"Hey stop it" natatawang saway niya sa akin, "Amazona" nangiting sabi nito at pinisil ang ilong ko.

"Ang kulit mo, anong nangyari sayo, may sakit ka ba?" nagtataka kong tanong dito tamang trip e.

"It's because of you" sagot nito, natigilan lang ako nalunok ko ata dila ko.

"Let's go" aya nito at tumayo, nilahad ang kamay niya at inabot sa akin, ngumiti ito sa akin, kaya nahawa ako sa kanya.

Inabot ko ang kamay niya, shocks kinilig ako "Ehem!" napalingon kaming at lahat sila nakatingin sa amin, anak ng tinola.

"Kayo na?" tanong ni Ate Ada, o.a kaming agad, di nga nanliligaw.

"Di no!" react ko dito, pero mukhang di naniwala sa amin, "Talaga, e bakit holding hands ?" tanong naman ni Ate Yvonne.

Napatingin ako sa kamay namin, kaya agad kong binawi pero hinila niya ulit ang kamay ko, napangiti ako ng tingnan ang kamay namin.

"Eeeeee...kakakilig!" tili ni Ai kaya natawa ako, langya naman o.

"Tara na pinagtitripan niyo na kami" sabi ni Ethan at naunang naglakad pero dahil hawak niya ang kamay ko nakasunod ako dito, dinaanan ko ang mga ate ko na nakangiti sa akin. It's nice to in love.

**

"Good morning Philippines" masayang bati ko sa sarili ko. Today is the big day.

Nag-ayos na ako at bumaba, nakita ko ang birthday boy na pababa dito.

"Arjay, baby boy" tumatakbo akong lumapit sa kanya at niyakap ko ng mahigpit.

"Happy birthday, binata ka na talaga" sabi ko dito at pinisil ang mga pisngi nito.

"Thank you Ate Zara, lamog na lamog na ako sa iyong tatlo" natatawang biro nito sa akin, o my God! Di nagsungit si pogi it's miracle.

"Di ka masungit today ha" sabi ko dito at hinalikan, minsan lang yan.

Tumawa lang ito at inakbayan ako, "Tara na nga ate gutom lang yan" sabi nito at sabay kaming nagpunta sa dining table para magbreakfast.

"Samahan mo ako Arjay ha" Sabi ni Ate Ada, "Saan?" tanong nito.

"Basta" simpleng sagot nito kaya nagkatinginan kaming ni Ate Yvonne, para madala niya sa venue.

"Okey" simpleng sagot ni Arjay, alam niyang di siya mananalo kay Ate kaya pumayag na siya dito.

"Alis na kami, see you later sister" paalam ni Ate Ada sa amin, kumindat pa ito sa amin, natawa na lang kami ni Ate Yvonne sa inasta niya.

Pagkaalis namin, komontak kami sa mga tao sa venue, may mga aayusin pa ng slight so ginawa muna namin ni Ate Yvonne, bago magstart ang party.

"All set!" Masayang tili ko, nag-appear pa kami ni Ate Yvonne.

"Tara na mag-ready na tayo" sabay hila ni Ate Yvonne sa akin.

"Okey!"

--

vhans

06-08-16



What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon