She's POV
"Cara?" Narinig kong sabi ni Arjay, kaya nilingon ko ito.
"Kilala mo siya?" Bulong ko dito.
Tumango ito pero nakakunot ang noo nito.
Di ko nga pa nachichika si Kuya ano kaya meron sa kanila ng magandang prof ko.
"San ako uupo Ma'm?" Tanong ni Cara.
"Dun?" Turo ni Ma'm sa bakanteng silya sa harap ko.
Uh-oh! May nafifeel akong di maganda sa babaeng ito.
Pagkaupo niya lumingon ito kay Arjay "Hi Arjay!" Bati niya sa katabi ko.
Pero dahil sadyang snob ang lalaking ito deadma lang ito.
Sumimangot ito at umayos ng upo.
"Class bukas na ang botohan sa Student Council, so Josh goodluck" Masayang sabi ni Ms. Lizzie sa kanya.
Ako ang nanguna sa pagpalakpak proud bff ako eh bakit ba.
Sumunod naman ang lahat, teka madaming utang na kwento itong kaibigan ko sa akin eh.
Habang kumakain kami lima may lumapit na asung----este babae pala.
"Can I join?" Tanong ni Cara sa amin.
Nagkatinginan kaming lima nag aalangan magsalita.
"Yes join them, tapos ano guguluhin mo sila?" Singit ni Alex na nakacross arms pa na nakaharap sa kanya.
Ngumiti ito pero obvious naman fake yun ngiti niya kay Alex.
"How cold Alex dear?" Sarcastic na sagot nito.
Nakatingin lang kami sa kanila, pero humarang si Joseph at Vince sa kanilang dalawa.
"Ano bang kailangan mo Cara at bumalik ka?" Naiinis na tanong ni Joseph dito.
"Ikaw din, di ba kayo masaya na nandito ako?" Nakataas kilay na sabi nito sa tatlong kausap.
Napailing lang si Vince sa sinabi ng babae.
"Kasi imemeet ko yung future husband ko" Sabi niya sabay tingin kay Arjay na ikinataas ng kilay ko, tapos ng walk out na yung Cara.
Oh my gosh sana mali iniisip ko, sana talaga mali.
"Shocks i remember her na" Bulong ni Marian sa akin kaya lumingon ako.
"Yeah ako din naalala ko na yan malditang yan" Si Ai naman ang nagsalita.
Sabay silang napatingin kay Arjay na busy sa pagkain ng sandwich niya.
"Bakit?" Tanong niya sa dalawa.
Lumapit pa sila dito at pinagitnaan ang pobreng si Arjay, hahaha!
"Siya ba?" Sigaw ng dalawa sa kanya.
"Kailangan sumisigaw?" Tanong ni Arjay na nakatakip ng tenga.
"Oo siya nga, happy?" Sagot niya sa dalawa.
Napatayo sila at sabay pang nag Oh no! O.A nilang mag react ano ba kasi yun.
"Ano ba kasing meron share niyo naman sa amin" Pakikiusyoso ni Josh sa kanila.
"Ah eh kasi yung Cara the kontrabida yun yung ipinagkakasundo sa kanya" Sabi ni Ai at inisang lagok ang laman ng baso niya.
Nasamid naman ako sa narinig ko, halos mabulunan ako kasi kumakain ako.
"Oh uminom ka baka ikamatay mo pa yan katakawan mo" Sabi ni Josh at inabutan ako ng isang basong tubig.
"Dahan dahan teh ano ba yan di pa nga nagiging kayo ni---ajqicntoanqqasjvk" Di ko na naintindihan ang sinabi ni Ai kasi sinubuan siya ng isang tinapay ni Marian.