She' POV
Matapos kong kumain, at napag pasyahan ko ng mahiga, nakakapagod grabe ang dami dami nangyari ngayon.
Pumikit ako at pinipilit makatulog, pero "Ahhhhh!" Sigaw niya.
"Anak ng kwago di ako makatulog" Sabi niya.
Tinakip ko yung unan sa mukha ko, gumulong gulong sa kama at tumili para di marinig ng parents niya tinakip ko sa bibig ang unan.
Napabalikwas ako, "She utang na loob matulog ka na, may pasok ka pa" Pinapagalitan ko na sarili ko.
Alam niyo ba bakit ako di makatulog? Ano kasi, wag na tinatamad ako mag kwento hahaha.
Actually di ko din alam, may nag iisip at sa akin, kakaatar! Hahaha.
Nahiga na ulit ako, at pinilit matulog maaga pa ako bukas.
***
Tiktilaok Tiktilaok!
Anak ng tokwa kelan pa nagkamanok sa kwarto ko!
Napabalikwas ako, alarm clock ko pala yun medyo shunga lang.
Dinampot ko ang alarm clock ko at tinapon, chos! Pinatay ko ang alarm.
Tumayo na ako para akong zombie, bakit ba kasi ang hirap bumangon ng umaga.
Matapos ko mag ayos ay bumaba na ako.
"Goodmorning, Mama at Papa" Sabi ko sa aking family.
"Goodmorning bunsoy!" Salubong sa akin ng aking bagong dating na Kuya.
"Kuya!" Nagmamadali kong lapit at yakap sa aking gwapong Kuya.
Naglambitin ako sa kanya, "Aray naman ano ka ba dalaga ka na, act as a real lady!" Sabi nito sa akin.
"Why so sungit?" Nakapout kong sabi.
"Kayo talagang dalawa, umupo na kayo ng makakain" Sabi ni Papa.
Naupo na kami, ang Kuya ko nga pala si Sherwin Bernard Valdez, nag tatrabaho siya as a Senior Accounting Staff sa isang private company.
Maganda ang work ni Kuya, pero dahil ayoko naman iasa sa kanila lahat kaya nag papart time job ako, di naman biro ang mahal ng bilihin ngayon, tsaka pasalamat ako kasi nakakuha ako ng Scholarship sa SBCU.
"Magandang buhay!" Pasok ng singkit kong kaibigan, sino pa nga ba eh di si Josh.
Nagbless siya kila Mama at nakipag fist to fist kay Kuya.
"Halika hijo kain ka na" Aya ni Papa.
"Tapos na Ninong" Sinusundo ko si pangs, para sabay ba kami pumasok.
Napatingin sila sa amin at ngumiti, tong pamilya ko eh mga malisyoso.
"Kayo ano na naman iniisip niyo?" Tanong ko.
"Wala bunsoy" Nakangising sabi ni Kuya.
"Oh siya sige na nga po, aalis na kami baka malate pa po kami" Humalik na ako sa kanila at lumabas na kami ng bahay.
Pagdating namin, nakita namin ang kabababang si Marian sa kotse niya.
"Hi She, Josh" Bati niya sa amin dalawa, bumeso pa sa akin.
"Tara sabay sabay na tayong tatlo pumasok" Nakangiti kong aya sa kanilang dalawa.
Teka, parang cold sila sa isa't isa anong meron si Marian nasa left side ko si Josh naman nasa right side ko.
"Goodmoooorneeeeeg people!" Sigaw na very active Ai.
Humalik pa siya sa amin ni Marian, bebeso sana siya kay Josh, ng bigla siyang hatakin ni Marian at ng kakadating na si Arjay.