Marian' POV
"Tara na" Aya niya sa akin.
"Oh my maglalakad lang tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, halika na baka magbago isip ko" Sabi niya, kaya agad akong sumunod, buti nalang naka flat shoes ako.
"San ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Dun sa sakayan ng jeep" Tipid na sagot niya.
"Whaaaaat, mag jijeep tayo?" O.A ko mag react ano, haha
"Makareact ka naman" Sabi niya at humarap sa akin.
"Mag taxi na lang tayo" Aya ko sa kanya.
"Hay naku Miss mahal! Bala ka iiwan kita" At naglakad palayo.
Nakakinis, pasalamat siya wala talaga akong mapuntahan, tumakbo ako para makahabol.
"Sir, kasya pa po" Sabi nung driver.
"Tara na" Aya niya sa akin nilahad niya pa yung kamay niya.
Tingnan ko siya at ang kamay, "Madumi ba?" Tanong niya sabi niya.
Natawa ako kaya, inabot ko na nga ang kamay niya.
Inalalayan niya ako sumakay nasa bandang likod kami ng driver.
Tinginan ko ang mga kasama namin sa jeep.
Yung nasa harap namin mga babae nagpapa cute kay Josh.
"Okey ka lang?" Tanong niya, kasi pawis na ako, kinakalkal ko yung bag ko di ko makita yung panyo ko, wala din pa lang tissue.
"Here, use it! Di ko naman nagamit" Abot niya sa akin ng panyo.
Hmm ang bango, kasing bango niya hihi!
"Para po!" Sabi niya bumaba na siya, at inalalayan ako makababa ang gentleman talaga.
"Dito ka nagwowork?" Tanong ko.
Tumango lang siya at ngumiti, my gosh why so gwapo!
"Tara!" Aya niya.
Pagpasok namin, agad kaming nilingon ng mga tao.
"Hi Tita, magpapaalam po muna ako di ako makakapasok today?" Sabi niya.
"Aba bakit naman hijo?" Tanong nito.
"A-ah eh ka-kasi---" Sabi ni Josh na di matuloy ang sinasabi, napatingin naman sa akin yung Tita'ng tinawag niya at ngumiti ng pagkalaki laki.
"Asus, binata na ang Josh namin nakikipagdate na, hala sige ayos lang" Sabi niya.
Ohmgosh iniisip nila magdadate kami ni Josh? Di kaya ano lang---uhm gagala lang, maniwala kayo.
"Tita di po mali pa kayo ng-----" Di nanatuloy ni Josh kasi tinulak na siya ng Tita niya.
"Mag iingat kayo ha!" Sabi nito at kumaway pa.
"Akala ba nila magdadate tayo?" Tanong ko.
"Uhmm--parang ganun na nga" Nakangisi niyang tugon, nakakainis siya pag ngumingisi.
"Tara na!" Hinila niya ako, ano ba yan walkaton na naman kami.
Nakarating kami sa tapat ng bahay, bahay ba nila to?
May lumabas na babae siguro kaedaran lang ni Mommy.
"Hi Ninang!" Bati niya at nag mano.
"Hi Josh, Oh sino tong magandang dalaga kasama mo? Wag mong sabihin na nagtanan kayo at makikitira kayo, aba Josh kebabata niyo pa di ka pa tapos sa pag aaral!" Mahabang litanya.