---> Nagkamalay si Erza na wala na si sir Levi sa tabi niya dahilan para agad agad siyang bumangon at nag ayos ng sarili para simulan agad ang kauna unahang trabaho niya ngayong araw, ang gumawa ng almusal.
'Ang aga ni sir bumangon. May emergency nanaman kaya siyang trabaho? Tsk... Sana makahabol ako para gumawa ng almusal para makakain siya bago umalis.' Erza.
Agad siyang bumaba at nag tungo sa kusina nang di makita si sir Levi sa sala. Wala din siyang sir Levi na nakita sa kusina pero nakahandang mga nakatakip na pag kain ang naabutan niya sa lamesa.
Nanlalaki ang mga matang tinungo niya ang lamesa upang siguraduhin na pagkain nga ang mga iyon. At tamang tama iyon para sa kanilang lahat. 'Piniritong hotdog, itlog, tuyo at sinangag?'
Agad na tinignan niya ang ref kung saan nag iipit ng mga sulat ang mga amo niya kapay may mga habilin ito kapag umalis. Her lips parted and immediately went there to get the letter and read it. 'I cooked for breakfast. Go on without me, I already ate. I'll be back immediately... - Levi.' basa ni Erza. 'I already ate? Kumain na si sir?'
"Oh Erza?"
Napalingon siya at natitigilang napatingin siya kay ma'am Hades nang makita ang itsura nito. Pawis na pawis ito at naka sports bra lang na pang itaas at sport shorts pang ibaba ang suot nito dahilan para makita niyang mabuti at kurba at ganda ng katawan nito.
'M-may abs si ma'am Hades?' "Good morning po."
"Good morning." ngiti nito sa kanya at nag tungo sa gawi niya para mag salin ng tubig sa baso at uminom. "Nag jogging ako sa labas _sang linggo na akong di nag wowork out ih. Si Levi na nag luto ng almusal. Naabutan ko siya kanina dito sa kusina bago umalis, nag luluto kako ang aga aga. Akala ko nga ikaw eh." she chuckled. "Aalis daw siya pag katapos kumain. Siya na daw mag luluto ng almusal nating lahat. Yung mga tukmol, tulog pa?"
"Sinong tukmol?" biglang sulpot ni Nieve kasama sila Hakeem at Vixen.
"Good morning na sana kaya lang bakit may porn star dito?" ngiwi ni Hakeem.
"Ugok." irap ni Hades dito. "Ikaw mukha talagang star. Mukha mo tatsulok-tatsulok ina ka."
"Kapal mo." irap din ni Hakeem sa kanya. "At least di ako malaswa tulad mo."
"Good morning." ngiti ni Vixen Kay Erza.
Erza chuckled. "Good morning po."
"Mga bobo lang nag sasabing malaswa at nakakasuya ako." irap ni Hades at naiiling na uminom. "Madami kayang nag kakandarapa sa akin." confident na wika niya sabay hawi pa ng naka tali nitong buhok.
Naupo ang tatlong lalaki na di napuputol ang pag tatalo nila Hades at Hakeem.
"Good morning Erza." ngiti ni Hakeem sa kanya at agad na muling tinarayan si Hades. "Kung basihan ng pagiging matalino ang pagpatol sayo, thank you lord kasi ginawa mo kong bobo."
Natatawang napatakip ng bibig si Erza. Nasanay nalang talaga siya sa bawat umagang dumadaan sa kanya kasama ang apat. Sayang wala si sir Levi... Akala niya mag kakasabay na silang mag aalmusal ngayon pero mukhang may mahalaga itong gagawin. 'Buti naman at nag almusal si sir bago umalis.'
"This is just rare to happen but pero sumasangayon ako kay Hakeem." panata pa ni Nieve.
"Hmm.." salungbaba pa ni Vixen. "Where's Levi?"
"Mga punyeta talaga kayo!" inis na wika ni Hades.
Nangiinis na tinignan ni Hakeem si Hades. "Yeah right!" nang aasar na pang gagaya pa niya sa hawing ginawa ni Hades kanina. "Get outta here!"
BINABASA MO ANG
Owned By The Mafia Boss - On Going.
RomanceAll she wanted to do is to stay with her father's side even though she'll die hurting by him but when that night came, her father almost rape her, she manage to run away and found herself under a bridge and met Karim. Meeting him made everything wel...