OBTAMB 038

1.8K 46 34
                                    

---> Nakarating na sina Vixen at Hakeem sa lugar na kanilang kakainan. Isa itong bagong café. Naupo na sila sa kanilang natipuhang pwesto kung saan, kitang kita nila ang bawat sulok ng café pati na din ang parking lot dahil sa salamin nitong pader.

"Oh? ganda ng menu nila ah?" kuha ni Hakeem sa menu sa lamesa. Inabot niya ang isang menu kay Vixen. "Gago ka, mamaya ka na mag cellphone and look at their menu. Lumabas ka nga ng bahay, yan naman inaaatupag mo."

Walang kabuhay buhay ang mga mata ni Vixen na pinakita niya ang menu ng cafe sa screen ng cellphone niya at muli ulit na sinolo ang cellphone. "I can't take my eyes off the system you fucker. You know what will happen if I slack off." He sighed. "I want to try their pizza and mango graham shake." wika nito at ipinatong ang cellphone sa lamesa. Doon lumabas ang hologram ng screen ng laptop niya na iniwan niya sa kotse. Siya lamang ang nakakakita nito gamit ang suot niyang eye contacts. "You order, I'm busy."

"Yes, fucking sir." sarkastikong wika ni Hakeem at tumayo na. "I'll try their jumbo burger." papalayong wika ni Hakeem papunta sa counter para umorder.

Vixen looked at the CCTV na saktong nakatapat sa gawi nila. He knows someone is using it to watch them. Dinaanan niya ito ng tingin at iginilid ang cellphone, hinawi ang hangin at lumabas ang isang keyboard sa lamesa. May kung ano siyang tinype doon at kusang gumalaw mag isa ang CCTV camera papunta sa gilid, nakatutok sa pader. 'Motherfucker.' pinindot niya ang 'Okay' nang makita ang question sa screen na 'Lock it?' upang hindi na ito mabalik ng kalaban sa dati.

"15 minutes daw." wika ni Hakeem nang makarating pabalik sa lamesa. "Kamusta system?"

"Sabihin muna kung bakit mo ko dinala dito." wika ni Vixen sa kanya. "Kilala mo na kung sino siya, right?"

Tumango si Hakeem. "Hindi naman ako tanga." katamtaman ang boses na wika nito at nagsimula na itong magsalita na hindi binubuka ang bibig niya. "May pitong tao na nakabantay sa atin kung saan."

"I know" wika ni Vixen, hindi din binubuka ang kanyang bibig. "Kahit saan naman tayo magpunta, may nakabantay satin."

Maaaring hindi sila nadidinig ng kalaban ngunit siguradong nababasa nito ang mga bibig nila. Hindi nila maaaring maliitin ang kakayahan ng mga taong ito.

"Marunong ka pala?" ngiwi ni Hakeem sa kanya at tuloy tuloy siyang nagsalita na hindi binubuka ang kanyang bibig. "Nung inaral ko yan, tinignan mo ko na parang ako pinakabobong tao sa buong mundo tapos gagayahin mo pala ako. Ayaw mo pa kasi aminin na idol mo ako---"

"Kahit saan mo ako dalhin, may malalaman at malalaman sila tungkol sa pag uusap na ito." inis na tingin sa kanya ni Vixen bago muling ibalik ang mga mata sa kanyang cellphone.

"Pero mas secure naman tayo dito kahit papaano." si Hakeem, kinuha ang menu para muling tignan at napabuntong hininga bago.muli.mag salita na hindi binubuka ang bibig. "Ever since then, I know someday, something crazy might happen but I didn't know this will be this crazy."

"Siya din ang rason kung bakit sila may access sa system. Nalalaman ko kapag pumapasok sila dito pero hinahayaan ko lang. Siguradong may mangyayaring hindi maganda kapag nalaman nila na alam ko mga pinag gagagawa nila."

"Gusto ko din itry mojos nila." wika ni Hakeem gamit ang bibig at muling nagsalita na hindi binubuka ang bibig.  "Alam kong madami ka pang nalalaman na hindi mo pwedeng masabi sa amin para mabalanse ang lahat pero sa pag kakataon na ito, sila ang nagaangat sa atin sa kiluhan. Sila ang bigatin sa pagkakataong ito Vixen lalo na kasama na nila ang Popov clan. Hindi ko din alam kung paano ginagawa ni Ailanna para makuha sila pero oo na, nanalo na siya."

"Maituturing na bata si Levi sa organization na iniikutan natin pero kahit nag sisimula palang siya, para na siyang batikan umakto, kumilos kaya nababahala sila na siya ang maging makapangyarihan sa lahat. Ngayon may gumagawa na ng samahan para patumbahin ang banta sa kanila, siguradong kakagat na sila at mag kakanya kanya ng plano para sa huli sila ang taguriing leader. Siguradong nag gagamitan lang sila doon. Di magtatagal papatayin din ni Ailanna ang mga taong iyon o di kaya, she will be the one who will die." wika ni Vixen.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Owned By The Mafia Boss - On Going.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon