—> "Take care, Karim." naiiyak na wika ni Aviana. "Mamimiss ka namin."
Karim chuckled and hugged doctor Aviana for the last time, katabi niya kasi ito sa back seat habang si doctor Sylvie naman ang nasa driver seat, ang nag maneho para ihatid siya. "Salamat po. Nagenjoy po ako na kasama kayong dalawa."
Sylvie laughed at Aviana na umiiyak na talaga. Nilingon niya ang dalawa sa back seat. "Para namang bawal dumalaw."
"Kahit na! Sa sitwasyon natin ngayon, hindi magiging madali. Mamimiss ko siya!" madrama pa itong na pahagulgol at niyakap ng mas mahigpit si Karim dahilan para malunod ito sa kanyang dibdib.
Napangiti naman si Karim at pinipigilan ang luhang niyakap pabalik ng mas mahigpit ang doctor. Salumipas na mga araw, naging mabait sila sa kanya at talagang inalagaan siya ng mga ito. Sobrang saya niya na nakilala niya ang dalawang doctor at nakasama kahit pa sa maikling panahon. At saka, ayun nga, mag kikita pa sila. Hindi man agad pero alam niya sa sarili na magiging worth ang pag hihintay.
Tuluyan nang nag paalam si Karim sa dalawa at bumaba ng kotse. Nang makababa at hindi na matanaw ang kotse, agad na siyang dumeretso sa kanyang bahay sa ilalim ng tulay. Malakas siyang napabuntong hininga at pumasok sa loob. Sobrang tagal na din at walang nag bago sa lugar simula nung umalis siya— ha. Ano yung tatlong kahon na iyon?
Kunot na kunot ang kanyang noo na lumapit sa tatlong kahon na iyon at binuksan ang unang kahon na nakaagaw sa kanyang atensyon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita na sari saring pag kain iyon. Agad na nag tungo siya sa isang kahon at bumungad sa kanya ang mga bagong damit. "A-anong.." sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Agad na pumasok sa kanyang isipin si Levi. Naluluhang nag tungo siya sa isang kahon at sa loob non ay isa pang kahon at nang buksan niya iyon ay tuluyang lumuwa ang kanyang mga mata at nalaglag ang kanyang panga sa gulat. Nanginginig ang mga kamay na inabot niya iyon at kinuha ang isang tali ng libo libong pera. Hindi siya makapaniwalang nasalampak sa lupa at hinihingal na natigilan sa kawalan. "A-anong..." natatawa siyang nailing sa sarili nang tuluyan siyang nilamon ng kaba. 'A-anong klaseng tao ka ba talaga..' "Haa..."
-
"How is it?" excited na tanong ni Hakeem kay Erza nang isubo na nito para tikman na ang nilulutong Takoyaki. "Sarap noh?!" napakalaki ng ngiti nito.
Nagbablush na ngiting ngiting tumango si Erza habang ngumunguya. "OwpOw!" (Opo!) nag nining ning din ang mga mata nito. Nagustuhan niya ang lasa ng Takoyaki.
Silang dalawa ang nasa kusina dahil tinuturuan siya ni Hakeem mag luto ng Takoyaki. Bigla kasi itong nag crave sa Japanese food at magluluto daw ng Takoyaki, ayun, tinanong niya si Erza kung alam niya ba mag luto at mag papatulong na daw nang madali. Yun nga di marunong ayun, tinuruan na niya.
"Ang sarap." bulong ni Erza habang pinapanood si Hakeem na mag salang ulit ng bagong lulutuin sa Takoyaki pan.
Hakeem laughed, glancing at Erza. "Kumuha kalang diyan kung gusto mo. Madami naman itong lulutuin ko."
Erza happily chuckled and nodded. "Opo." pero halip na kumuha para sa sarili ay kumuha siya at binigyan tinapat ito sa bibig ng binata.
Gulat naman na agad ngumanga si Hakeem. "TWENGYoWU." (THANK YOU.)
Erza laughed nodding. "Welcome po."
Hakeem chuckled at nag patuloy sa kanyang ginagawa habang nginunguya ang binigay sa kanya ni Erza. Sumubo naman ng isa pang Takoyaki si Erza at nagagalak na nilasahan itong mabuti at tinulungan si sir Hakeem na mag lagay ng toppings ng Takoyaki. Excited na siya kumain ng madami.
"Alam mo ba hindi marunong mag Takoyaki si Levi?" ngisi ni Hakeem kay Erza habang nagluluto. "Sinubukan niya one time pero hindi niya mabilog kaya ginawa niyang pancake HAHAHAHHAHAHAHAH!"
BINABASA MO ANG
Owned By The Mafia Boss - On Going.
RomanceAll she wanted to do is to stay with her father's side even though she'll die hurting by him but when that night came, her father almost rape her, she manage to run away and found herself under a bridge and met Karim. Meeting him made everything wel...