OBTMB 026

938 39 4
                                    

---> "Hindi parin kayo bati ni Erza?" hindi na napigilan ni Hades na mag salita. "Anong petsa na. Daig niyo pa mag dedevorce." irap nito.

"Erza looks gloomy earlier when I saw her before she went up." sabat ni Vixen.

Napanganga si Hakeem. "Tangena Levi! Ang galing ni Erza kanina! Akala ko ayus na kayo kanina kaya ko kayo iniwan ng mag kasama!"

Levi looked at his friends frowning in irritation. "Shut the fuck up-- ah!"

"Wuy." alarmang tayo ni Nieve. "Ayus kalang?"

Biglang tumalsik yung niluluto ni Levi dahilan para mapaso siya sa braso at mag ka dumi siya sa damit. Naka puti pa naman siya.

"Karma." irap ni Hades.

"Ako na diyan." agaw ni Vixen sa hawak niyang sandok. "Mag bihis ka na."

"Gagi sign nayan na makipag bati ka kay Erza kung di maluluto ka talaga sa impyerno." si Hakeem.

Sinamaan niya ng tingin si Hakeem at walang kibo na iniwan na lamang ang lahat para umakyat sa taas. 'I'm sure she's bothered about the kiss earlier.' napalunom siya... 'Hindi ko napigilan... Tsk.'

-

Kanina pa tapos mag training si Erza pero grabi parin ang hingal at kabog ng dibdib niya. Hindi niya magjawang kumalma at sobrang namumula ang kanyangh mukha. Hindi nakakatulong ang malamig na tubig mula sa shower para umayos at gumaan ang pakiramdam niya. Walang ibang pumapasok sa isip niya kundi ang mainit na  halik ni sir Levi--- halip na mga tinuro ni sir Hakeem ang inaalala niya halik ni sir Levi ang pilit na pumapasok sa isip niya!

Halip na pagod ang nararamdaman niya.... Iba nararamdaman niya... Hanggang ngayon nararamdaman parin niya ang init ng labi ni sir Levi at kung paano... Napalunok siya at napayuko. Kung paano bumilis ang pagikot ng mundo niya habang hindi siya makahinga nang pumasok ang dila ni sir Levi sa loob ng bibig niya.

"Jusko... Jusko..." napayakap siya sa sarili at nailing. Pumasok sa kanyang isipan noong hinalikan ni sir Levi si sir Hakeem.. 'Hindi lahat ng halik ay para sa kasintahan lamang... Iba iba asng ibig sabihin at pinagbibigyan ng halik at hindi lamang para sa kasintahan...' "Naiintindihan ko yun pero bakit pakiramdam ko... Mali. O ako lang may problema?" napabuntong hininga siya at tingala sa shower para saluhin ng kanyang mukha ang tubig. 'Ano ba talaga dapat ang maramdaman ko? Paano kapag hinalikan ulit ako ni sir? Baka hindi ko na kayanin...' "Paano pag nalaman ni sir na ganito ang nararamdaman ko?" nakagat niya ang pangibabang labi nang pumasok sa isipan niya kung paano siya napayakap kay sir Levi at tumugon sa halik nito. "Siguradong madidismaya siya... Magagalit si sir... Para sa kanya wala lang yung halik pero sakin masyado kong inisiip..." 'Maling mali...'

Naalala niya kanina kung paano siya pinasunod sa kanya ni sir Levi para maligo na nang makakain na sila. 'Para kay sir wala lang yung halik... Parang walang nangyari samin kanina kaya... Mali talaga itong ginagawa ko... Masyado akong... Naiilang?' "Baka siguro nag kakaganito ako kasi lumaki ako na dapat lang ang naghahalikan ay iyong mag kasintahan..." 'Oo... Tama...'

Napabuntong hininga siya at tuluyang nagsimulang maligo. 'Sabi ni sir ayus lang mag sabi sa kanya... Maiintindihan naman niya hindi ba---'

"Erza--"

"AHHH!" malakas niyang napalo ang bibig upang takpan iyon. 'Hala!' "S-sir Levi?"

"Are you okay?! Why were you screaming?!" sunod sunod na kumatok si sir Levi habang pilit na binubuksan ang pinto ngunut naka lock ang door knob. "Erza!" dakit ni Levi ng tenga sa pintuan na kulang nalang patagusin niya ang sarili doon.

Owned By The Mafia Boss - On Going.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon