OBTMB 035

740 32 13
                                    

—> "SINO MAY GUSTO NG CAKE?!!!" ang lahat ng tao sa sala ay natingin kay Hakeem nang sumigaw ito.

"AKO!" agad na taas ni Tamah ng kanyang kamay.

"Bawal sa kalbo!" agad na wika ni Hakeem na ikinabwisit nito.

"Cake ko ba baya—"

"Apaka unti naman niyan. Sayo nga lang hindi pa yan kasya." si Damien na nakabusangot habang nakahiga sa hita ni Titan na nag cecellphone sa sahig.

"Buti alam niyo! Huwag na kayo humingi!" si Hakeem na isinabusangot ng lahat.

"TIMAWA!" sigaw ni Tamah at binato ito ng sapatos na nailagan naman ni Hakeem. "Lamunin mo!"

"TALAGA—"

"Akin na nga yan!" agaw ni Mercidy ng cake kay Hakeem. "Gago ka hindi ko naman sayo ito ibinibigay ah?!"

"Sabi ni Levi share-share daw tayo!" dipensa ni Hakeem.

"Ikaw nga lang kakain eh." si Nieve, salo salo ang noo sa inis.

"Edi mag sibili kayo ng inyo! Kay Erza lang reh!" inis na wika ni Mercidy at sinipa si Hakeem sa binti nito. "Alis!"

"AARAAAYYY! Erza ohh!" naluhod ito sa sahig, salo salo ang binti.

"Hehe.." ngiti nalang ni Erza kay Hakeem nang ibinigay sa kanya ni Mercidy ang cake.

"Nag send ako ng link sa gc natin. Umorder na kayo, si Hakeem ang mag babayad." wika ni Boomer at agad naman tumalima ang lahat at nag kanya kanya ng order, kabilang sina Nieve at Hades.

"HOY TANGENA NIYO! ANONG AKO ANG MAGBABAYAD?!"

"Tatlo bibilin ko ah? Snacks ko for three days." wika ni Boomer.

"Tatlo din akin." si Damien.

"Akin anim." wika ni Hades.

"Ano bang gusto mong flavor Hakeem? Try ko nga baka masarap." si Nieve.

"Tangena niyo..." madramang naluluhang wika ni Hakeem.

Natatawa namang naaawa si Erza sa amo dahil wala naman siyang maitutulong. Napabuntong hininga nalang siya habang tinitignan kung gaano kabusy ang bawat isa na mag order ng cake, miski si ma'am Mercidy.

"Ma'am?" wika niya kay Mercidy. Kunot noo siyang tinignan nito. Nangiti siya. "Kain po tayo?"

Umiling si Mercidy. "Sayo nayan. Bibili ako ng sakin."

Erza chuckled. "Share po tayo habang wala pa po iyong inyo. Kayo naman po nag bigay eh."

"Umoo ka na. Nagsosorry ka diba?" singit ni Hades na nasa cellphone parin ang kanyang tingin.

Mercidy pouted, clicking her tongue. "Tsk. Fine or whatever."

Erza chuckled. "Tara po sa kusina."

Nakanguso namang sumunod si Mercidy habang umoorder parin ng cake. Nang marating naman ang pinto, malakas ang tibok ng puso ni Erza na tinapat niya sa doorknob kung nasaan ang chip code na ininsert sa kanya at ngiting ngiti siyang kinikilig na natawa nang magbukas ang pintuan at tuloy tuloy silang pumasok ni ma'am Mercidy sa loob.

Umoorder parin ng cake, naupo lang si Mercidy sa upuan at hinayaan si Erza na maghanda para sa kanilang dalawa.

Naglagay si Erza ng dalawang plato sa lamesa at tigisang tinidor at gamit ang kinuhang kutsilyo, nag slice siya ng cake. Pinag slice din niya si ma'am Mercidy. "Kain na po."

"Salamat."

Sinimulan kumain ni Mercidy at Erza. Umoorder parin ng cake si Mercidy habang si Erza naman ay kalmado lang tahimik na kumakain, ninanamnam ang cake. 'Mocha cake...'

Owned By The Mafia Boss - On Going.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon