OBTMB 027

1K 44 11
                                    

---> 'Dick...' Nag flash sa kanyang isipan kung paano niya tinignan ang ibabang bahagi ng amo nang mapagtantuan ang ibig sabihin nito. 'Dick... Dick... Dick--- m-may binaril na ba talaga doon si ma'am Hades? Nakakatakot...' 〒_〒 Muling naalala nanamn niya ang imahe ng bandang iyon ng kanyang amo. Malakas na nasampal niya ang sarili. "Erza!" napatakip siya ng bibig at mukha. 'Haaa....' munting reklamo niya. 'Bakit ba naiisip ko yun... Nakakahiya... Bakit kasi medyo bakat...' Lalong namula ang mukha niya at paulit ulit na umiling. Malakas siyang bumuntong hininga at kunot noong tinignan ang kabuuan sa salamin. 'Magagalit si sir sakin niyan eh...'

Kakatapos lamang ni Erza maligo upang tuluyan nang matulog at magpahinga. Hubad ang katawang nakatingin lamang siya sa malaking salamin sa cr habang tinitignan ang kabuuan niya.

Kitang kita niya ang ilang pasa sa kanyang katawan at sariwang sugat dahil sa kanyang  pag sasanay. Hindi naging madali ang lahat sa kanya. Kahit nakakaexcite at nag eenjoy siyabsa pag eensayo, masakit talaga ito sa katawan. Napakalaking swerte nalang talaga para sa kanya dahil kahit papaano, mabilis siya makabawi.

'Hmm...' napangiti siya. 'Lagi nila sinasabing fast learner ako at ang galing galing ko daw. Pakiramdam ko ang cool ko na din tulad nila. Kaya mo yan Erza. Ipag patuloy mo. Kayang kaya mo yan..' tumango siya sa sarili. 'Sa kabila ng lahat, masaya ako. Pakiramdam ko binigyan ako ng pag kakataon ng Diyos upang muling matuto tungkol sa isang bagay at hindi lamang titigil ang buhay ko noong huminto ako sa pag aaral.' napapikit siya. 'Salamat po... Salamat.'

Mahina siyang natawa at nag patuloy sa pag pupunas ng katawan at pagbabalot ng sarili ng twalya upang magtungo sa walk in closet at makapag damit.

Habang nagbibihis, hindi niya naiwasang mapaisip kung ano na ba ang lagay ni Karim. Hindi niya maiwasang isipin na baka... Akala ni Karim patay na siya dahil sa nakakatakot na pagdakip sa kanya noon nang magkahiwalay sila.

Napabuntong hininga siya. 'Sana dumating yung panahon na magkita ulit kami. Na kahit sobrang tagal na naming di nagkita, walang pader na nakaharang sa gitna namin para mailang sa isat isa.'

Tuluyan siyang natapos sa pagbibihis at tuluyan nang lumabas mula sa walk in closet. Agad na nakita niya ang amo na nakaupo sa gilid ng kanilang kama habang seryosong nag tatype sa cellphone nito. Tahimik lamang siyang nag lakad palapit sa kanilang kama at maingat na naupo.

'Sino kaya kausap ni sir? Mukhang napaka seryoso niya...' Si Erza habang maingat na nagpapatuyo ng buhok. 'Brass...' habang nagpupunas ng buhok, nirerecall niyang muli ang lahat ng natutunan niya sa kanyang isip at talagang hindi niya ito kinakalimutan.

Habang nag rerecall naman si Erza, kausap naman ni Levi si Doc Sylvie sa cellphone nito. Binalita nitong muling nag mulat si Karim ngunit tumagal lamang ito ng 30 seconds at muli itong natulog. Malaki daw ang pusibilidad na tuluyan na itong gumising at mabawi ang lakas.

Sobrang gumaan at ikinatuwa ni Levi ang nabalitaan kaya hindi niya naiwasang nakangiting mapatingin kay Erza ngunit ang mukha nito ay masyadong seryosong nakatitig sa sabihig habang nagpupunas ng ulo at bumubulong pa ng konti minsan kaya nalaman niya ang iniisip nito.

'She's reviewing?' he chuckled. 'Nice..' muli niyang tinuon ang atensyon sa kanyang cp upang i-screen shot ang napagusapan nila ng doctor at ibalita sa apat. Nang matapos ay isend ang mga pictures ay pinatay niya na ang cp at tahimik na tinitigan si Erza.

Habang nakatitig sa mukha niya pinagmasdan niyang mabuti ang kabuan nito. She gained weight and a lots of muscles. She has a good stamina, edurance, strength and she's a fast learner. It'll be a big waste if he'll do nothing about her.

Owned By The Mafia Boss - On Going.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon