---> Ora mismong natapos silang mag agahan, agad siyang kinulit ng apat kung ano ba ang dapat gagawin at isa isa niyang pinaliwanag sa mga ito na talagang seryosong nakinig sa kanya. Miski si sir Levi ay naka salong babang nakikinig sa kanya.
Nang mapaliwanag niya ang lahat ay agad siyang sinunod ng lahat na ilabas nalang ang stove at gas para mas malapit ang tubig na papakuluan nila at mababantayan nila ito habang nag kakatay, mag labas ng malaki at matibay na lamesa kung saan ihihiga ang baboy at plangganang pag sasaluhan ng mga lamang loob.
Nang matapos mag paliwanag ay siya naman ay nag linis ng kusina at nag hugas ng kanilang pinag kainan.
"Na set na namin lahat!" dating ni Nieve sa kusina habang nag huhugas parin siya ng mga pinag kainan.
"Sige po. Kaya niyo po ba itali na yung baboy na kakatayin natin? Paa at kamay po, sir." lingon niya sa amo. "Matatapos naman na po ako dito. Mag sasalin na po ako ng tubig na papakuluan natin."
Sunod sunod na tumango si Nieve. Halatang excited ito. "Sige sige! Sasabihin ko sa lahat!" at agad na itong lumabas ng kusina.
She chuckled shooking her head. 'Nakakatuwa naman.'
Tuluyan siyang natapos mag hugas ng pinagkainan at kumuha na siya ng malaking kaldero upang pag lagyan ng tubig at pag katapos noon ay nagtungo siya sa banyo sa kusina upang patuluan iyon sa gripo.
Sumalampak siya sa tuyong tiles ng banyo at pinanood at pag tulo ng tubig mula sa gripo.
"Erza."
Napaigtad siya sa nagsalita at agad niya iyong nilingon. "Sir Levi.." napalunok siya at agad na tumayo upang harapin ito. "Sir."
"Anong ginagawa mo dito?" with his flat usual face.
Tinuro niya ang pinapatuluang malaking kaldero. "Naglalagay na po ako ng papakuluan nating tubig para sa pag katay." ngumiti siya. "May kailangan po ba kayo?"
Tumango si Levi. "Inihanda na nila yung mga gamit sa labas. Matatalim yung mga gagamitin mong kutsilyo, mag iingat ka." nilingon niya ang pinatutuluang kaldero. 'That's heavy.' "Muli niyang tinignan si Erza. "Naiintindihan mo ba ako?"
Nagtatakang tumango si Erza. 'Y-yun ang kailangan ni sir sakin? Mag ingat ako?' "Opo sir."
Kumunot ang noo ni sir Levi. "I mean it." hinawakan ni sir Levi ang pulsuhan niya at hinila ito ng mas malapit sa kanya dahilan upang mas maging malapit ang mukha nila sa isat isa. "Kapag may nakita akong sugat sa katawan mo, lagot ka sakin."
Natitigilang napalunok si Erza at tumango. 'A-ang lapit n-ng mukha ni s-sir.. Ang b-b-bango ng..' tuluyang namula ang mukha niya nang mag baba ang mga mata niya sa labi nito. 'A-ang bango n-ng hininga niya..'
Natigilan si Levi nang mapansin iyon dahilan para mas humigpit ang hawak niya sa pulsuhan ni Erza. 'What the fuck is she doing?' napalunok siya at natigilan din si Erza sa ginawa niyang iyon.
The way sir Levi's addam's apple moved? Parang may kung anong mga paro parong nag wawala sa tiyan niya.
Pulang pula ang mukhang nag angat siya ng tingin kay sir Levi. "S-sir.."
Mas humigpit ang kapit ni Levi sa pulsuhan niya.
"H-hng.. S-sir--" napayuko siya at tinikom ang bibig. 'B-baka lalong magalit si sir.'
Levi stilled hearing that sound from Erza and realizing that he's hurting her, he let go. 'Shit.. What am I doing? Tsk.' he sighed at nilampasan si Erza.
Natigilan si Erza at nilingon ang amo. Pinatay nito ang gripo dahil umaapaw na ang tubig. Kinuha nito amg tabo at binawasan nito ang tubig mula sa malaking kaldero at parang wala lang na binuhat nito iyon.
BINABASA MO ANG
Owned By The Mafia Boss - On Going.
RomanceAll she wanted to do is to stay with her father's side even though she'll die hurting by him but when that night came, her father almost rape her, she manage to run away and found herself under a bridge and met Karim. Meeting him made everything wel...