---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
=JULIA's POV=
"Guys. Wala ba talagang balita kay Kath? 1 week na ang nakalilipas." Sabi ko sa barkada. Lahat sila tulala, lalo na si Daniel.
"Daniel. Hindi ba talaga siya nagtetext sayo?" Tanong ko. Umiling lang siya. Hindi namin siya makausap ng matino pamula nung hindi nagpaparamdam si Kath. Malimit isang tanong isang sagot lang.
"Nasan kaya si Kath? Wala din sina tita Min sa bahay nila eh." Sabi ni Yen.
"Teka guys! May sasabihin ako senyo." Sabi ni Neil. Pero walang umibo, ganun pa din, lahat tulala.
"Napanood niyo ba yung balita nung isang isang linggo?" Sabi ni Neil. Lahat naman ay napatingin sa kanya.
"Hindi kami nanonood ng balita." Sabi ni EJ.
"May nabangga daw na taxi jan sa satin. Malapit lapit lang dito. Patay daw yung driver. Pero yung sakay, nakaligtas, yun nga lang malala ang kalagayan." Sabi ni Neil.
"Oh ano naman ang kinalaman ni kath dun?" Tanong ni Kiray.
"Diba si Kath nagpunta sa girls party nung gabing yun. Hindi kaya...." Sabi ni Neil. Napatayo ako.
"HINDI SI KATH YUN! Umuwi agad si Kath nun. Magkasabay kaming umuwi ni kath!" Sigaw ko.
"Neil.. Taxi? taxi yung nabangga?" Tanong ni Daniel. Napatingin naman ang lahat sa kanya, yan an ata ang pinakamahaba niyang nasabi pamula noong isang linggo.
"Oo Daniel." Sabi ni Neil.
"Shit." Sabi niya at saka umalis.
"Oh San yun pupunta?" Tanong ni Neil.
Nagkibit balikat kaming lahat. Sana walang kinalaman si Kath doon sa nangyari.
--
=DANIEL's POV=
Hindi kaya... Hindi kaya..
Hindi Daniel!! Hindi siya yun! Hindi si kath ang sakay ng taxi na yun!
Naglalakad na ako ngayon pauwi. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Dadaan muna ako sa bahay nina Kath baka sakaling nandun na siya.
Habang naglalakad ako. May nakita akong isang babae..
Si Tita Min!!
"Tita Min!!" Sigaw ko at saka lumapit kay tita at tito.
"Tita Min. Nasan po si Kath? Nasan po siya?" Tanong ko kay tita Min.
Pero hindi siya sumasagot.
Naglalagay sila ng mga maleta sa sasakyan nila. San sila pupunta?
"Tita.. San po kayo pupunta?" Tanong ko.
"Daniel. Saka na lang tayo magusap. Nagmamadali kasi kami eh."
"Tita Min. Aalis po ba kayo? Kasama niyo po ba si Kath?" Hinawakan ko na ang kamay ni tita para masagot niya ang tanong ko. Pero tiningnan niya lang 'yun at inalis ulit. "Tita.. Nasan po si kath?" Paulit ulit kong tanong.
"Daniel.. Dahil makulit ka. Sasabihin ko na sayo 'to. Wag mo ng hanapin si Kath. Wag mo na din siya intayin, dahil hindi na siya dito sa Manila magaaral. Wag mo na din itanong kung nasan siya ngayon. Maaari ba?" Sabi ni tita Min.
BINABASA MO ANG
It all started with a handkerchief ♥
Teen FictionSi Kathryn ay isang nerd na nangangarap na mapansin ng kanyang ultimate crush sa school na si Daniel Padilla - na sobrang pogi, makatulo laway ang kagwapuhan, at hearthrob for short. Imposible diba? Pero sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanyang s...