A/N: Weeeeeee :"> Hi guys! Magpapasalamat lang ako sa mga tumangkilik at patuloy na tumatangkilik sa aking istorya. Ako po ay napasaya niyo. (Lalim! Haha XD) Basta yun po :) Salamat sa nag aadd sa reading list nila, nag vovote at nag cocomment :) Hindi ko inaasahang may babasa ng kalukahan ko. :DD. Haha. Siya eto na.. Sorry kung natagalan, sunod sunod projects namin e >.<
Vote and Comment :)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
=DANIEL's POV=
After 3 decades...
De joke.. After 3 days lang. 3 araw na ang nakalipas. Wag kayong mag alala, walang ibang nangyari sa mga araw na yon.
Pauwi na ako ngayon sa bahay namin, kahahatid ko lang kay Kath. Pagpasok ko, nakita ko sina mama at papa, carmella at mikaella sa may sofa, nakaupo.
"Sige na. Punta na kayo sa kwarto niyo." Sabi ni mama kina mika at mela. Tapos umakyat na sila.
Tapos nakita ko si mama..... umiiyak.
"Ma? Bakit..... bakit naiyak kayo?" Tanong ko kay mama sabay baba ng bag ko sa sofa at lumapit sa kanila.
"Anak..... ang company natin.." Mangiyak ngiyak na sabi ni mama.
"Ano? Bakit ma? Anong nangyari?" Pag aalalang tanong ko. Tumabi ako sa kanya at hinagod ang likod niya para kumalma siya.
"Yung company natin anak. Ang source of income natin. Unti unti nang nababankcrupt.." Sabi ni mama at saka ulit umiyak.
Ano daw? Nababankcrupt? Nalulugi na ang company? Bakit? Anong nangyari? Di ko maintindihan. Napakahalaga ng company samin. Minana pa yun ni papa sa lolo ko, at nung nabubuhay pa si lolo ipinangako ko sa kanya na gagawin ko lahat wag lang mawala company namin dahil ako pa ulit ang magmamana neto. Pero ngayon.. nanganganib na.
"Anong nangyari ma? Baka naman may nagnanakaw dun?" Tanong ko.
"Hindi.. Hindi.. Wala.. Bumababa na ang credibilty ng company natin kaya ganun. Wala nang pumapasok na investors. Ang kailangan natin ay tulong.. Mula sa ibang kompanya."
"Edi humingi tayo ng tulong sa ibang kompanya. Yun lang pala eh. Ma naman, tahan na." At saka ko siya inabutan ng tissue, ano ba 'to. Problema.
BINABASA MO ANG
It all started with a handkerchief ♥
JugendliteraturSi Kathryn ay isang nerd na nangangarap na mapansin ng kanyang ultimate crush sa school na si Daniel Padilla - na sobrang pogi, makatulo laway ang kagwapuhan, at hearthrob for short. Imposible diba? Pero sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanyang s...