VOTE and COMMENT :)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
=DANIEL's POV=
Time check: 7:45 pm
Kakasimula lang ng party celebration ni mama pero wala pa din si Kath. Nag aalala na ako.Tinatawagan ko siya pero ring lang ng ring. Nasan ba sila Julia? Ah ayun! Nakita ko na!
Lumapit ako kila Julia.
"Juls. Si Kath? Bakit hindi niyo kasama?"
"Si Kath? Bumalik siya sa hotel, nakalimutan niya kasi purse niya eh."
"Ahh. Sige kala ko naman kung bakit wala pa."
"Hi girls!" Sabi ni mama na bigla bigla na lang sumusulpot.
"Hello po tita! Happy birthday po! BTW, I'm Julia po." Bati ni Julia.
"Salamat Julia!" Sabi ni mama sabay yakap kay Juls.
"Happy birthday tita! Ang gift po namin nandun na sa table. Ako naman po si Kiray." Kiray.
"Nag abala pa kayo. Salamat!" Sabi ni mama sabay yakap kay Kiray.
"Tita! Happy birthday po! Ilang taon na po kayo? Hehe. BTW, ako naman po si Yen." Yen
"Salamat pero secret muna. Haha!" Sabi ni mama sabay yakap kay Yen tapos nagtawanan sila.
Ako ng OP -__-
"Oh bakit parang wala pa si Kath? Nasan siya?" Tanong ni mama kila Julia.
"Ah ma, bumalik daw sa hotel, nakalimutan daw purse niya." Sagot ko.
"Ah oh sige. Punta lang ako sa iba pang bisita ha. Enjoy the food. Papuntahin niyo sakin si Kath pag dumating na ha." Sabi ni mama saka umalis na. Tumango naman kaming lahat.
BINABASA MO ANG
It all started with a handkerchief ♥
Teen FictionSi Kathryn ay isang nerd na nangangarap na mapansin ng kanyang ultimate crush sa school na si Daniel Padilla - na sobrang pogi, makatulo laway ang kagwapuhan, at hearthrob for short. Imposible diba? Pero sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanyang s...