Chapter 54. - The story

45.6K 624 86
                                    

A/N: ADVANCE HAPPY NEW YEAR!!! =)))))) 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

=DANIEL's POV=

Nagwalkout ako sa party ni JC. Di ko kayang panoodin ang pagtatapat ni JC kay Kath. Baka hindi ko pa kayanin, himatayin ako dun. 

Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa langit at saka humiling...

Kahit imposible, hinihiling ko pa din. Paulit ulit... Araw araw..

Sana po bumalik na ang alaala ni Kath.

Hindi ko alam kung san ako dadalhin ng mga paa ko. Dinala na lang nito ako ng kusa sa pizza parlor kung san kami laging pumupunta ni Celine..

Si Celine.. Hindi ko makalimutan ang sinabi niya sakin kanina.

Nakipagkita siya sakin bago ako pumunta sa party ni JC. At sinabi niya gusto niya ako. Nagulat ako syempre, hindi ko naman alam na binibigyan niya na pala ng meaning lahat ng ginagawa ko sa kanya. Sinabi ko na din na si Kathryn pa din ang laman ng puso ko pero sabi hindi siya sumagot. Umalis na lang siya bigla. Hay, weird din ng isang 'yun eh. Sabi niya si JC daw tapos ngayon ako naman.

Umorder ako at humanap ng table at saka umupo.

Nakakainis ka Daniel. Nangako ka pa man din kina mama, papa at sa barkada na iuuwi mo si Kath. Pero ano ngayon? Uuwi ka ng magisa. Walang Kathryn na kasama...

Siguro tatapusin ko na lang ang sem na 'to sa school kung nasan si Kath. Tapos uuwi na ulit ako ng Manila. Makakaalala si Kath, naniniwala ako. Siguro hihintayin ko na lang siya. Marunong naman akong dumistansya. Iba na nagmamayari sa kanya eh..

Dumating na ang order ko at nagsimula na akong kumain. Sana bago man lang ako bumalik sa Manila makasama ko kumain dito si Kath. Mahilig din siya pumunta dito eh.

"Hi, pwede pashare?" Napatigil ako sa pag kain at tiningnan ang nagsalita, si Celine. Sasagot na sana ako pero bigla siyang nagsalita ulit, "...pashare sa puso mo?"

"Celine..."

"Joke! Hahaha! Priceless ang mukha mo Daniel! Grabe ka! Naniwala ka naman agad? Hahahaha!" Umupo siya sa bakantang upuan sa harap ko. Dumating na din ang order niya at nagsimula na din siyang kumain. 

"Bakit di ka pa kumakain? naawkwardan ka ba sakin? Hahaha! Daniel, kalimutan mo na 'yung sinabi ko."

"Celine.."

"Kumain ka na." Sabi niya. 

Pinagpatuloy ko na ang pag kain. Nagkekwento siya ng nangyari ngayong araw. Nagpunta daw siya doon sa dati nilang bahay at nakita niya ang dati niyang kaibigan. Masaya siya ngayon. Hindi ko alam kung bakit. 

Tapos ako, hindi ko napansing pumapatak na pala ang luha ko. Nakakabakla! Tss!

"Teka.. May nakakaiyak ba sa kinukwento ko Daniel? S-sorry. Teka, eto panyo." Sabi niya habang inaabutan ako ng panyo. Tinanggap ko yun at saka ako yumuko.


"C-Chandria.. Anong?" Napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ko. Tumingala ako at ngayon nakikita ko si Kathryn sa harap namin. Beastmode siya ramdam ko.

Kinusot ko pa ang mata ko dahil hindi kapani paniwalang nandito siya sa harap namin. Hindi ba dapat kasama siya ni JC?

"K-Kath? Anong?"

Hindi siya sumagot, sa halip kay Celine siya tumingin, "Pwede ko na bang mabawi?"

"Huh?"

It all started with a handkerchief ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon