Dedicated sa aking Sis Tine! :))) Hi Sis! Thank you talaga sa support! Lovelots. :* :)Oh siya, here's the update. :) Enjoy! :)
COMMENT! COMMENT! COMMENT!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
=KATH's POV=
GOOD MORNING SUNSHINE! YEAH! Its March 26 na! HAPPY BIRTHDAY TO ME! Haha! Its my debut its my debut! I'm already 18! I'm now legaaaal! ^___^Eto na ang pinakaiintay ng lahat.. Charot! Oo pinakaiintay kasi manlilibre ako mamaya. Minsan lang 'to. Once a year -_-
Huwaaa! Excited na ako sa lulutuin ni mama! Sobrang special kasi ang mga luto niya pag birthday ko. Ang sarap ng luto niya pag birthday ko! Pag birthday ko lang. Hehe.
De joke lang. Araw araw masarap ang luto ni mama ^_^
It's my 18th birthday pero walang engrandeng kaekekan. Dapat ngayon may debut party ako pero mas pinili kong ispend ang 18th birthday ko with my loved ones. Family, friends and ofcourse, hihi, DJ.
Tinanong nga ako ni mama noon kung gusto ko daw ng party or mag ouout of town something like that, ang pinili ko yung sila sila lang na special sakin ang gusto kong makasama. I'm a nerd back then, sino naman ang pupunta sa party ko? Pati isang araw na kasiyahan lang 'yon. Gusto ko araw araw na kasiyahan. Kaya mas pinili kong wag na lang mag party. Gastos lang 'yon.
Bumangon na ako at ginawa ang daily routine. Naligo ako ng maaga kasi gusto ko fresh ako sa special day ko. Charot.
Teka.. Bakit ang tahimik ng kusina? Ano bang oras na? 8:30 am na ah. Ahh! Baka naman tulog pa. Ikaw talaga Kath. Baka puyat ang tao dito kagabi. Well except sakin na maagang natulog. Beauty rest kuno ^_^
Pinuntahan ko sila sa kwarto. Naka lock. Ay tulog pa nga. Lumabas ako sa bahay at nakita ko si yaya na nagdidilig ng mga halaman.
"Ya. Si mama at papa po?" Tanong ko. Para sure. Sunday ngayon kaya walang work sina mama at papa. Pamula nung nangyaring muntik ng bankcrupt ng company namin eh napagdesisyunan nilang magbigay ng isang araw kada linggo para sakin. Dahil sabi ko isasalba ko yun, which is yung ginawa ko ngang pag let go kay DJ, gusto nila akong samahan sa pagdadalamhati ng puso ko. Charot.
"Naku. Maagang umalis. Hindi ko alam kung san nagpunta." Sabi ni Yaya. Huwaaat? Maagang umalis?! Ang daya ni mama at papa! >_<
BINABASA MO ANG
It all started with a handkerchief ♥
Teen FictionSi Kathryn ay isang nerd na nangangarap na mapansin ng kanyang ultimate crush sa school na si Daniel Padilla - na sobrang pogi, makatulo laway ang kagwapuhan, at hearthrob for short. Imposible diba? Pero sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanyang s...