A/N: At dahil nasa revising process ako, nagdagdag po ako ng isa pang chapter here. Hindi talaga ako satisfied sa istoryang ito. HAHAHA. EH kasi naman, ang bata bata ko pa nung sinulat ko 'to. Huhu. Sorry na mga bh3. HAHA. Last revision ko na 'to. Hahaha. Salamat readers :*
Old readers-pakibasa ulit
new readers-kalma po tayo. may chapters na di connected. nirerevise ko pa. salamat!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
=KATH's POV=
"Eto bes, mas gusto ko 'to." Sabi ni Julia sabay pakita sakin ng isang yellow floral dress.
"Oo nga. Eto na lang ang susuotin ko." At saka kinuha yung yellow floral dress sa cabinet niya. Pinahiram niya ako ng dress kasi ayaw niya nung mga dress na binili ko kahapon. Hays.
"Eh kasi naman Kath, kulang na lang maging manang ka sa mga binili mong dress. Kaya yan ang isusuot mo, okay?" Tumango ako at saka nagpunta sa banyo ng kwarto ni Bes.
Dalwang linggo na ang nakalipas pamula nung sa notebook thingy namin ni Daniel. Yun na ata ang pinaka close up ko sa kanya. Haaay. Ang gwapo niya talaga.
Oo nga pala, hindi ko ba nasasabi senyo? May party kaming pupuntahan nina Julia, Kiray, EJ, Yen at Neil. Dati namin siyang schoolmate nung Elementary. Birthday niya. Close namin siya noon kaya inimbitahan kami. Kahit hanggang ngayon, may communication pa din kami. Sayang at hindi niya kilala si Daniel at Diego. Edi sana magkakasama kami pumunta dun. Hay.
Anyways, tapos na ko magbihis kaya lumabas na ako ng CR ng kwarto ni Bes at pumunta sa harap ng salamin para ayusin ang dress na suot ko. Da best talaga pumili ng damit 'tong bestfriend ko.
"Yan! Bagay na bagay sayo bes! Sabi sayo eh!" Sabi niya. Pinaikot niya ako sa salamin at boom! Bagay nga. Hahaha. Oy, sabi niya yun ha, nakikisang ayon lang ako.
"Thanks bes!" Sabi ko. Napatingin ako sa kanya, bagay na bagay sa kanya ang pink dress dahil maputi siya. Eh ako, hindi naman ako ganun kaputi. Sabi nila, morena daw ako.
30 minutes pa bago kami sunduin ni Neil (kasi siya yung nakakaalam ng venue) kaya nagkwentuhan muna kami ni Bes. Maaga pa naman. 5:30 lang. 6 ang punta namin sa party. Besides, sabado ngayon kinabukasan walang pasok. Ohyeah boy!
"Oh, anong improvement sa inyo ni Daniel? Grabe, muntik na kayong magkiss dahil dun sa notebook ah! Sana natuloy! Hihi." Sabi niya na parang kinikilig samin. Ako naman, syempre kinikilig din! Huwaaa! Naalala ko na naman! Kyaaa! Sana natuloy! Hahaha. Joke.
BINABASA MO ANG
It all started with a handkerchief ♥
Dla nastolatkówSi Kathryn ay isang nerd na nangangarap na mapansin ng kanyang ultimate crush sa school na si Daniel Padilla - na sobrang pogi, makatulo laway ang kagwapuhan, at hearthrob for short. Imposible diba? Pero sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanyang s...