Chapter 55. - We're back

46.3K 650 39
                                    

A/N: HAPPY 100K + READS! SALAMAT PO SA LAHAT NG SUMUPORTA at PATULOY NA SUMUSUPORTA! HIndi po magiging successful ang first ever story ko ng hindi dahil senyo! Thank you thank you po! :**




Sha, eto na update. Enjoy! =)))

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

=JULIA's POV=


[After 5 months]

Natapos ang limang buwan na sobrang lamya ng barkada. Miss na miss na kasi namin si Kath! T.T Kailangan kaya namin siya muling makikita? Haaay.

Nakakainis naman kasi si Daniel! Hindi man lang nagtetext kung ano nang nangyayari sa paghahanap niya kay Kath! Tinetext namin, tinatawagan pero hindi nasagot! Bwiset naman. Papatayin kami sa pag aalala eh! 

Nandito nga pala kami sa tambayan. Ako, si Diego, Neil, Yen, Kiray, at EJ. 

Lahat kami nakatungo. At malungkot. :( Lagi na lang ganito ang scenario namin araw araw. Walang may gustong magsaya kasi hanggang ngayon wala pa ring balita kay Kath at Daniel. Gusto na namin silang puntahan sa Batangas pero hindi namin alam ang address nila.

"Guys. May balita na ba?" Tanong ni EJ.

Iling lang ang sinagot naming lahat.


"Guys. Hindi naman laging gan'to. Walang mangyayari kung pati tayo, malamya. Gusto niyo ba datnan tayo nina Kath at Daniel dito na ganito ang itsura natin? Cheer up guys!" Sigaw ni Kiray samin.

"Hmm, tama si Kiray guys. Kailangan natin maging matatag!" Pagsangayon naman ni EJ.


Tama sila. Hindi dapat kami madatnan ng ganito nina Daniel at Kath. Kailangan laging positive. Dapat dadating sila na maayos kami at hindi ganito. Dahil alam kong babalik si Kath samin. Babalik siya...

"Oh edi simulan na natin ngayon?" Diego.

"Anong gagawin natin?" Tanong ko naman.


"Ano pa... edi... Movie marathon! Yehey! Nung isang araw ko pa gustong manood ng movie eh!" Sabi ni Neil. Napafacepalm na lang kaming lahat. Hay Neil. -_-


"Sige. Tara, basta horror panonoodin natin." Diego.

"WHAAAAAAAAAAAAAAAT!???" Neil.

"SABI MO MOVIE MARATHON!" Kaming lahat.

"Sabi ko nga. Ajujujuju."

At saka kami nagsitayuan at pumunta sa bahay nina Daniel/Diego. Diba sa bahay nina Daniel tumitira si Diego? Kasi nasa States mommy at daddy ni Diego. 

--------------

BAHAY NINA DANIEL.

Binuksan na ni Diego ang gate at isa isa kaming pumasok. Laptrip lang dahil ni Neil, siya kasi pinakahuling pumasok, eh pinagsarhan ni Kiray ng gate. Ang kulit lang. Buti na lang nandito si Neil, napapatawa niya kami kahit kulang kami.

"Hello tita." Panimula ni Neil. Nanguna na siya, baka kasi mapagsarhan ulit. hahahaha.

"Hi mga kaibigan oso. Napadalaw kayo?" Tanong ni Tita Carla.

It all started with a handkerchief ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon