Chapter 37. - Past is past.

49.2K 548 36
                                    

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(SAME TIME)

Continuation....

=DANIEL’s POV=

 

 

Naglalakad kami ni Kristine ngayon papunta sa gitna ng bahay.

Bahay ‘to nina Kristine, dito ginanap ang walang kwentang engagement party na ‘to.

Haaaay. Miss na miss ko na si Kathryn. Gustong gusto ko siyang lapitan, yakapin, pero lagot ako pag nakita ako ni papa kaya nahanap lang ako ng tyempo. Pag nagpuntang amerika si papa, lulubusin ko na ang mga araw kasama si Kath.

Tumingin ako sa guests. Ang dami nila. Pero may isang taong naka agaw ng attention ko. Isang babae na natingin sakin. Kahit na madilim at nasa amin ni Kristine ang spotlight, kitang kita ko siya.

Si Kath..

Bakit siya nandito?

Sinong nagpapunta sa kanya dito??

Pamula dito sa kinatatayuan ko, kitang kita ko ang mata niyang pugto. Umiyak siya. Ang t*nga mo DJ! Ang t*nga t*nga mo! Bakit hindi ka muna nagpaliwanag sa kanya! Pero teka, si mama, hindi ba niya nasabi kay Kath ang tungkol dito kaya ganun na lang kapugto ang mata niya? Sorry Kath.. Kasalanan ko ‘tong lahat. Pero wag kang magalala.. Para sayo rin ‘to.

Mas gugustuhin ko pa ang ganito kesa malayo ka sakin.

 

 

AFTER 2 hours. Garden.

 

 

“Daniel, nakita mo ba si Kath?” Tanong ni Kristine sakin. Nandito kami ngayon sa garden malapit sa pool ng bahay nila. Ayokong ilantad pa ang sarili ko dun bilang fianceé neto. Asawa ko siya sa papel pero hindi ko siya mahal. Si Kath lang ang laman nitong puso ko.

Tumango na lang ako sa kanya.

“Ahmm. Daniel. Tawag ka ng papa mo.”

“Ayoko. Ikaw na lang makipag usap sa kanya.” Sabi ko. Cold ang pagkakasabi ko. Tumango siya at umalis sa harapan ko.

It all started with a handkerchief ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon