Chapter 25. - Phone Convo.

59.4K 685 177
                                    

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

=DANIEL's POV=

"Nasan kaya sila mama at papa? Napaka Workaholic kasi." Tanong ko sa sarili ko. Para akong baliw na kinakausap ang sarili dito. Haaay sila mama at papa kasi masyadong busy sa company namin kaya yun, nawawalan na kami ng time na makapag bonding.

Nasabi ko na din kahapon na kami na ni Kath via phone conversation, wala sila dito sa bahay eh nasa bussiness trip. Ayos lang daw sa kanila. Basta alam ang limitations. Pero nung kinakausap ko si papa tungkol dun, may naramdaman akong kakaiba, para bang ayaw niya kay Kath. Aiiish ewan, praning lang siguro ako. Pero si mama gustong gusto, ang OA nga sa telepono e. Tsssk. Magkakasundo nga mga nanay namin.

Hmm. Ano kayang ginagawa ngayon ni Kath? Miss ko na agad siya. Hay.

*TOK TOK*

"Pasok. Bukas yan." 

"Kuya! Gonna eat na. Better baba na." Sabi ni Mikaella.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at saka sumunod kay Mika. Time check: 7:00 pm. 

Dumeretso na ako sa kusina at nandun na sila. Umupo na din ako at sumandok ng kanin.

"Kuya I heard kayo na ni Ate Kath. Am I right?" Tanong ni Mika.

"Oo. Kami na." Sagot ko.

"OMYGASH!! I'm so happy for you kuya! Sometimes, punta mo dito si ate Kath para makapag bonding kami!" 

"Sure!" 

"Wow! Kuya? Di nga?" Tanong naman ni Carmella.

"Oo nga! Tanong niyo pa si Ate Kath." Sagot ko.

"Congrats kuya! Eh teka, ikaw kuya Diego kelan mo mapapasagot si Ate Julia?" Tanong naman ni Carmella kay Diego.

"Ewan. Haaaay." Sagot naman ni Diego at saka nagbuntong hininga. 

"Hahaha! Ang bagal kasi ni Kuya Diego! Naunahan pa ni Kuya DJ!" Mika.

It all started with a handkerchief ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon