Chapter 26.1 - Boracay (Part 1)

59.4K 640 65
                                    

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

=KATH's POV=

"Hoooooh!! Welcome Bora!!" Sabi ni Kiray. Wooooh! After 500 years nakadating din ng bora. Wow. Ang ganda pa rin ng Bora, 1st time kong nagpunta dito, ay hindi pala 2nd time na. 1st time ay nung nag 7th birthday ko, dito kami nagbakasyon at nagcelebrate.

"Sus! Para namang ikaw ang pinuntahan ng Bora!" Sabi ni Neil. Siniringan lang siya ni Kiray. Kanina pa 'tong mga 'to e. Haha.

"As if, buti na lang hindi nagsusuka ang Bora! Hindi katulad ng isa jan! Kadiri kaya!" Sabi ni Yen ay parinig pala. Haha. Nagsuka nga pala si Neil kanina eh siya ang katabi ni Neil kaya yun. Kadiri nga eh. -_-

"Siya guys! mamaya na kayo mag away! Tara na sa tutuluyan naten, ng makapagpahinga na kayo, lalo na si Kath." Sabi ni DJ sabay akbay sakin. Wooh! Simpleng chansing! Hihi. Si DJ talaga, oh. 

"Lalangamin na naman ako kaya paalala sa isa jan!" Diego.

"Wag magparinig!!!" Julia. Eto na naman po sila. Haha. Teka nga, sila na ba? O.o or nasa ligawan thingy? Bakit napapadalas ang parinigan nila? Weird ah. Pero balita ko, nagkakatext na sila eh. 

Naglakad na kami papuntang hotel. Magkahiwalay ng room ang boys at girls, syempre. Magkakasama ang boys, magkakasama naman ang girls. Sayang nga eh noh? Dapat isang room na lang, para tipid din? Diba? Hehe. Sige na, mamaya na harot -_-

Pagpasok namin. HUWAW. Ang laki! 4 ang kama, so it means tigi-tigisa kami. Inayos ko na ang gamit ko. Pagkatapos nun bumaba na kami at kumain sa isang restaurant. Tapos tumaas na ulit kami sa kwarto at nagchikahan. 7 pm pa naman, masyado pang maaga para matulog kaya magkekwentuhan muna kami!

Habang enjoy kaming girls sa pag chichikahan biglang my kumatok at pumasok ang boys.

"Hey girls!" Sabi ni DJ sabay tabi sakin. Nakaupo ako sa kama ko. Si EJ tumabi kay Kiray, ganun din si Diego kay Julia. 'To talagang si bes, pakipot pa. Gusto din naman. Hahaha! Crush niya kaya si Diego *_* Si Neil naman hindi makalapit kay Yen, may atraso pa siya dun e.

"Tomorrow morning bili kayo ng dress na isusuot niyo sa party ni mama. Mejo sosyales eh." Sabi ni DJ.

"Ano kayang magandang kulay?" Tanong ni Kiray.

"Red! Diba favorite mo yun?" Sagot naman ni EJ.

It all started with a handkerchief ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon