--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
=KATH’s POV=
“Tita, sorry po talaga sa nangyari kagabi. Hindi ko naman po alam na may problema siya..”
“Okay lang, hayaan na natin. Siguro nga may problema lang siya ngayon, samahan mo na lang sa kwarto niya okay?”
“Sige po tita. Salamat po.”
Minulat ko ang mata ko at nakitang pumasok sa kwarto ko si Julia. Shet! Sakit ng ulo ko.
Napaupo ako sa kama at napahawak sa ulo ko. Omg! Sakit ng ulo ko. Teka... nasa party ako kagabi ah?! At nakita ko si Daniel. Tapos... tapos... hindi ko na maalala!
“Bes.” Mataray na pagtawag sakin ni Julia.
“Hi. Hehehe!” Sabi ko at saka nag peace sign.
Wala akong maalala sa nangyari kagabi!
“Kath. Alam mo ba kung anong pinaggagagawa at pinagsasasabi mo kagabi sa party ni ate Kaye?!” Tanong ni Julia na nakapamaywang pa.
“Hindi... Eh... Hehehe.” Sabi ko.
“O M G!” Sabi niya at saka nagpaypay sa sarilil. Bakit, ano bang ginawa ko kagabi?
“Gusto mo bang malaman kung ano ang ginawa at sinabi mo kay daniel?!” Tanong niya sakin. Ahmmm… Parang ayoko. Di ako nakakasense ng maganda eh.
“Ayoko bes..” Sabi ko.
“Oh well. Mall?” Tanong niya. Hmm, yes!
“SURE!”
“Sige na magbihis ka na. Pupunta tayong mall! Kaloka!” Sabi niya. Okay weird.
Naligo at nagbihis na ako. Napatingin ako sa orasan, 11 na pala ng tanghali.
BINABASA MO ANG
It all started with a handkerchief ♥
Teen FictionSi Kathryn ay isang nerd na nangangarap na mapansin ng kanyang ultimate crush sa school na si Daniel Padilla - na sobrang pogi, makatulo laway ang kagwapuhan, at hearthrob for short. Imposible diba? Pero sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanyang s...