Chapter 38. - "Everything happens for a reason" -Kath

50.8K 571 80
                                    

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

=KATH’s POV=

 

 

Haaaay. Nakakapagod. Pagod na ako. Pagod na ako kaiiyak. Bakit ganun? Ansakit. First love. First heartbreak. Hays.

  

*Tok tok*

“Nak. Pwedeng pumasok?” Si mama.

“Opo ma.” Sagot ko. Walang pasok ngayon kaya eto, nakahiga pa din ako. Wala ako sa mood.

“Anak. Pinagdala kita ng breakfast oh.” Sabi ni mama sabay patong ng tray na may pancake at milo. Wow. My favorite. I mean OUR favorite. Sheeeeet! Kath. Pagod na ang mata mo, maawa ka naman!

“Thanks ma.” Sabi ko at saka umupo sa kama.

“Kath.. Tama na ang kaiiyak okay? Siguro naman may rason. May rason si Daniel, magtiwala ka lang anak.” Sabi niya. Oo, alam na ni mama. Kinuwento ko sa kanya kagabe, akala ko nga pagagalitan niya ako pero katulad ng mga kaibigan ko, cinomfort niya din ako. She is the best mommy in the whole world.

“Lahat kayo, sinasabi niyo, may rason.”

 

 

“Kung alam ni Daniel na magiging ganito ka, gagawin niya pa din ba yun?” Ngayon ko lang din naisip. Oo nga noh. 

“May rason si daniel, anak. Magtiwala ka lang. Hindi niya lang masabi ngayon.” Tama si mama. At ang barkada. Siguro nga may rason si DJ. Siguro nga, hindi niya ito ginustong lahat.

“Tama kayo mama. Siguro nga, may rason ang lahat ng ito. SIge mama, iintindihin ko na lang kung anong rason yun. At magiging malakas. Dahil hindi ako kayang iwan ni DJ.”

 

 

“That’s my daughter. Sige na. Kain ka na, baka magutom ka pa. Just call me kung may kailangan ka.” Sabi ni mama at saka tumayo.

I nodded then smile.

Everything happens for a reason.

 

 

AFTER 500 years. Eh este 3 hours.

 

It all started with a handkerchief ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon