---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
=KATH's POV=
Tumakbo ako ng tumakbo hangang sa napagod ako. Napatigil ako dito sa gitna ng kalsada, parang bata na naagawan ng candy. Pero this time hindi candy ang naagaw sakin.
Ang taong mahal ko.
"Ang isang prinsesang kagaya mo, ay hindi dapat nagpapaulan." Napatigil ako sa pag iyak at napatingin sa nagsalita. Bakit ngayon ka lang?
Tumayo ako at agad siyang niyakap.
"Neil......"
"Sayang effort ko sa pag papayong, mababasa din pala ako." Kumalas ako sa pagkakayakap at siniringan siya.
"Joke! Tara. Hatid na kita. Magkakasakit ka niyan." Inakbayan niya ako at saka pinayungan.
Shocked kayo noh? Akala niyo si Quen na naman? Baka patayin niyo na author pag yun. HAHAHA. loljk. Mas lalo akong shocked. Akalain niyo yun, si Neil pa - ang clown ng barkada- ang tutulong sakin. Aww. Touched.
Pero.. si DJ. Huhuhuhu. :(( bahala siya! Wala akong pake! >_>
=NEIL's POV=
Nandito na kami sa bahay nina Kath. Kumatok ako at yaya nila ang nagbukas.
"Naku! Ma'am Kath. Ano pong nangyari sa inyo? Bakit po kayo basang basa?" Tanong ni manang. "Teka. Kukuha ako ng tuwalya." Sabay pasok at kuha ng tuwalya. Inintay namin siya bago kami pumasok.
Pagkakuha niya, pumasok na kami. Basang basa si Kath. Ano naman kaya ang problema neto? Siguro, tungkol sa kanila ni Daniel.
Umakyat na sa kanyang kwarto si Kath para magpalit, sinamahan siya ni Manang, samantalang ako nakaupo lang dito sa sofa. Basa na din. Yakapin ba naman daw ako ni Kath. Pero okay lang. Yun pa! Malakas yun sakin eh.
Matapos ang ilang minuto. Tinawag ako ni manang, pinapatawag daw ako ni Kath kaya umakyat ako sa kwarto niya. Nadatnan ko siyang nakahiga. Mejo namumutla. Magkakasakit 'to. Tsssk.
BINABASA MO ANG
It all started with a handkerchief ♥
Teen FictionSi Kathryn ay isang nerd na nangangarap na mapansin ng kanyang ultimate crush sa school na si Daniel Padilla - na sobrang pogi, makatulo laway ang kagwapuhan, at hearthrob for short. Imposible diba? Pero sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanyang s...