Chapter 4. - The makeover

87.9K 1K 57
                                    

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

=KATH'S POV=

SCHOOL.

"Oh ano ready ka na?! Ibibigay mo na talaga?! Kala ko ba itatago mo muna?!" Tanong ni Bes sakin. Nandito kasi kami ngayon sa may garden. Vacant namin ngayon at napagdesisyunan kong ibabalik ko na ang panyong ibinigay/ipinahiram niya sakin.

"Eh nakakahiya na din kasi eh. Ang tagal na."

"Tagal agad? Eh parang nung Wednesday lang yun? Friday lang ngayon."

"Eh kahit na. Hahaha. Gusto ko na ibalik. Tara." Okay Kath, inhale exhale. Pinaghandaan ko na ang bawat sasabihin ko sa kanya. Ang bawat linya. Kahit ang simpleng salamat syempre naka ilang practice din ako. Mahirap na. Hihi.

Mejo lumapit kami. Magisa lang naman siya kaya okay na okay 'to. Masosolo ko siya. ^___^

Okay Kath, ayusin mo muna ang buhok mo. Mejo buhaghag pa. Itinaas ko ng konti ang salamin ko kasi mahuhulog na. At nag inhale exhale fot the last time. Eto na!!

"Goodluck!" Sabi ni Bes. Tumango naman ako at dahan dahang lumapit sa nakatalikod na si Daniel.

Feeling ko ang bigat ng paa ko sa bawat apak ko. Enebe =_=

At eto na!!!

"D-Daniel--"

"Babe! Sorry pinagantay kita." 

Isa lang ang alam ko ngayon. Tumigil ang mundo ko.

"Okay lang babe." Sagot ni....

Daniel.

Maputi, matangkad, sexy, at higit sa lahat... maganda.

"Hihi. Wag mo nga akong kinikiliti. Ang tagal kasi magpalabas nung prof namin kaya mejo nahuli ako. Sorry ulit ha, babe." Sabi ulit nung babaeng maganda.

Ako? Eto naging estatwa sa likuran nila. Hindi pa ata nilang napapansing may tao dito kaya di pa nila ako nililingon.

It all started with a handkerchief ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon