--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BORA 2nd day.
=KATH’s POV=
*yaaaaaaaawn. Ang sarap ng tulog ko. Ang ganda kasi ng panaginip ko. Nagkaayos na daw kami ni DJ. Dito din sa Bora ang venue. Ayos na ang lahat. Pero sa kasamaang palad.
Panaginip lang yun.
Haaaaaaaaaaaaays. *buntong hininga two times* Akala ko naman totoo na.. Sayaaangg.
Tumayo na ako at nagpunta sa banyo para maghilamos ng may biglang magbukas ng pinto ng kwarto. Pinakiramdaman ko kung anong ginawa niya bago ako lumabas ng banyo. Malay ko bang magnanakaw 'to. Teka, bakit bukas ang pinto?! Nilock ko yun kagabi ah!? OMG! Ano pwede kong ipaghampas sa kanya? AHA! Kumuha ako ng isang sabon. Ibabato ko 'to sa mukha, mas matindi kapag sa mata, netong trespasser na 'to!
Dahan dahan kong binuksan ang door knob at slow mo din akong lumabas. Pagkalabas ko ng banyo, walang tao. Pero bukas ang pinto. Sumilip muna ako sa labas pero walang tao. Nakahinga naman ako ng maluwag. Hooh! Akala ko naman...
Sinarhan ko na ang pinto. Inilapag ko muna sa side table yung sabon dahil may nakita akong breakfast na nakapatong sa kama ko.
Pancake with chocolate syrup.
Dahan dahan akong lumapit dun at pakiramdam ko gusto ko na yung kainin ora mismo. Pero napansin kong apat yun. Ang dami naman. Pano ko yan mauubos? -_-
Teka, sino muna ang nagpadala nito? Teka.. baka may lason 'to?! Baka isa itong trap! OMG! Be alert, Kath!
Pero kapag napapatingin talaga ako sa pancake na 'yun, nakakaramdam ako ng kulo sa tyan. Huhu! Gusto ko na yun kainin! Amp.
Lumapit ako sa kama at kumurit ng kaunti sa pancake. Syempre dun sa freehand ko na hindi ko pinanghawak sa sabon -_- Titikman ko muna kung may lason. Kung meron, edi patay ako, kung wala, edi wala ^_^
Ninamnam ko yun at feeling ko ay safe naman dahil nalunok ko na, kumuha pa 'ko ng konti ay hindi pa din bumubula ang bibig ko. Ayos. Ang sarap.
Tsaka ko lang napagtanto kung ano ang kinakain ko.. Teka, pancake? Paborito ko? Wait... DJ?
BINABASA MO ANG
It all started with a handkerchief ♥
Teen FictionSi Kathryn ay isang nerd na nangangarap na mapansin ng kanyang ultimate crush sa school na si Daniel Padilla - na sobrang pogi, makatulo laway ang kagwapuhan, at hearthrob for short. Imposible diba? Pero sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanyang s...