Chapter 51

6.6K 115 6
                                    

Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter as your support. Thank you po!


Chapter 51 FBBF

Yoshabel's POV

Lumapag na ang eroplano sa Germany International Airlines pagkatapos ay tumuloy kami ng mga bata sa isang hotel. Mamayang alas-tres ang kasal. Tatlong oras na lang ang natitira pa para sa kanya para mapigilan ito.

"Mommy, we will go with you in the wedding" narinig kong nagsalita si Yosh mula sa likuran ko hawak-hawak sa Kanang kamay si King.

"Hindi pwede, kailangan nandito lang kayo, kahit anong mangyari, matuloy man iyon o hindi, dito lang kayo. Just wait for me" seryoso kong sabi dito.

"No Mommy! I insist! Daddy just told me before to stay with you wherever you are." He said.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya.

"Just promise me that whatever happens, you'll stay out of this, okay?"

Iling lang ang sinagot nya.

"No, say it" ulit ko pa

"I promise Mommy."

"MOMMY!" narinig kong sigaw ni Drew.

Agad akong tumakbo sa kwarto nito at nakita ko sya na nasa pintuan ng CR.

"King is missing" bigla akong kinabahan sa narinig ko.

"Baka naman bumaba lang o umalis o may tinignan" sunud-sunod na sabi ko dito.

"Yung backpack po nya na lagi nyang dala, wala na po dito." Dalawa at kalahating oras na lang ay magsisimula na ang naka-schedule na kasal ni Jayden. Hindi nya alam kung sino nga ba sa dalawa ang dapat nyang unahin. At the end, she decided to look for her King.

Third Person's POV

"Excuse me Mister, how can I get in this place?" tanong ni King sa isang lalaki na nakaupo sa katabing bench. Sa ipinakitang papel nito ay nakasulat ang address na "Church of Ramsau" buti nalang at marunong din mag-ingles ang kinausap nya kaya nga ay agad na sinakyan ng bata ang taxi na tinuro nito.

Nang makita ni King na nakabukas ang laptop ng Mommy nya ay agad nya itong tinignan. Sakto naman na naka-open pa ang email ng mommy nya kaya naghanap sya doon ng mga maari nyang magamit sakali mang magpunta sila sa lugar kung nasaan ang daddy nya.

Matapos nyang makuha ang address ay kaagad syang tumakbo papasok sa kwarto nito. Kinuha nya ang isang malaking piggy bank na naglalaman ng mga ipon nya. Halo-halo ang mga laman nito pero karamihan dito ay mga dollars na galing mismo sa Daddy nya.

Habang nakasakay sa taxi ay sobrang hanga naman nya sa mga tanawin na kanyang nakikita. Yung mga mala-kastilyo na matataas na building.

Maya-maya pa ay naramdaman nalang nya na huminto ang taxi.

Tumingin sa kanya ang driver nito senyales na kaylangan na nyang mag-abot ng pera.

"How much?" tanong nito sa driver.

"35€" maikling sagot nito.

Kumuha ang bata ng pera sa labas at nagbilang ng dollar.

"Here's 60$, is that enough?" nakangiting tanong ni King dito.

Nagtataka lang syang tinignan nito pagkatapos ay bumaba. Tumambad sa kanya ang isang mataas na simbahan na mula sa malayo ay kita nya ang maraming tao na nagtitipon-tipon sa pinaka-entrance nito.

Fixing the Broken, Breaking the Fixer (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon