Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter as your support. Thank you po!
Chapter 49 FBBF
Jayden's POV
Flashback
"Kahit nung wala pa man si Yoshabel, wala talaga akong planong magpakasal. Kaya pwede ba, tigilan mo na ako at ang pamilya ko. Nagsasayang ka lang ng oras." Matigas na sabi ko kay Hanah.
"Pero di ba sinabi mo sa ospital na papakasalan mo ako?" desperation can be seen to her face.
"Sinabi ko lang yun dahil akala ko iyon lang ang tanging paraan para mabayaran kita sa pananakit ko sayo!"
"Jayden please," lumuhod sya sa harapan ko. "Ako na lang, marry me, please, the first time I saw you, I have loved you!" sabi nito sakin.
Hinawakan ko ang magkabila nyang balikat.
"Hindi pag-mamahal yan Hanah, it's a LUST!" bulong ko sa kanya. Nabigla nalang ako sa ginawa nya. Hinahalikan nya na ako ngayon. Naging malikot ang labi nya at ganun din ang kanyang dila pero hindi koi to tinutugon. Maya-maya lang ay naramdaman ko ng isinabit nya sa batok ko ang kanyang dalawang kamay. Hihiwalay ko n asana ito ng may marinig akong sigaw galing sa pinto.
"Dadddyy!"agad naman akong tumingin dito.
Naputol ang pag-iisip ko ng may biglang pumasok sa ospital. Hanggang ngayon kasi ay nandito pa kami dahil nga itong si Yoshabel ay hindi pa rin nagigising hanggang ngayon, at 11:30 na ng gabi.
Niluwa non si Alex at Zach.
"Kamusta na sya" tanong ni Alex.
"Ayun hindi pa rin nagigising" sabi ko sabay tingin kay Yoshabel na mahimbing na natutulog sa kama. At binalik ko ang tingin sa kanila. " Mabuti na rin yan para naman makapagpahinga sya." Dagdag ko pa.
"Ano ba na naman kasi ang ginawa mo?" muling tanong nito sakin.
"misunderstanding lang" sabi ko sa kanya.
"We saw him, Daddy is kissing a girl" tinignan ko ng masama si King.
"King, hindi ka dapat sumasali sa usapan ng matatanda" sabi ko sa kanya.
"Aray!" batok sakin ni Alex.
"Eh ikaw naman pala ang dahilan kung bakit sya nagkaganyan." Si Alex.
"Wag nyo pong saktan ang Daddy!" at lumapit ito sakin. Kinulong nito ang sarili sa akin. At nagtataka naman syang tinignan ni Alex.
"Gwapo lang talaga ang Daddy kaya marami naghahabol sa kanya, diba Dad?" gusto ko namang matawa sa sinabi ni King. Napakabata pa talaga ng isip nito pero masyado lang kasing maingay.
"Pero alam ko na mahal na mahal nya ang Mommy." Dagdag pa nito.
"Hay naku, ikaw hah, pati anak mo hahawaan mo pa ng mga pinag-gagagawa mo sa buhay." Si Alex.
"Mahal, ayos lang yan, ganun talaga pag mga macho gwapito," nakisingit na si Zach. "Isa ka pa" batok nya rin dito. Bigla syang tumingin sakin at itinuon ang paningin sa natutulog na si Yoshabel.
"O ano ba nangyari dyan?" - Alex
"Hinimatay habang nagbabato ng mga gamit" pairap kong sabi sa kanya.
"What? Don't tell me?" bakas sa mukha nito ang pagkabigla.
"Yes, you're right!" sabi ko sa kanya. "She's three weeks pregnant"
BINABASA MO ANG
Fixing the Broken, Breaking the Fixer (BOOK 1)
RomanceWhat will you do if you have to choose between the man you love the most who has been part of your life and the other one is your family. Prinsipe sya, katulong lang ako.Nasa kanya na ang lahat, walang-wala naman ako. We promised that we will figh...