Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter as your support. Thank you po!
Chapter 35 FBBF
Yoshabel's POV
"Halika ditong mangaagaw ka!" rinig kong sabi ni Elaine at hila-hila nya akong dinadala sa isang lugar. Hindi na ako makapanlaban pa dahil agad akong nakaramdam ng takot, hindi sa kanya kundi sa maaring mangyari sa baby ko.
Pilit ko nang hinihigit ang isang kamay ko sa kanya pero sadya atang malakas din 'tong babaeng to. Kinakabahan na ako sa mga maaring mangyari.
"What's going on here?" rinig kong tanong ng isang malaking boses
"Renz!" agad kong sigaw sa pangalan nya.
Nakita ko naman syang lumapit samin.
At hinila nya ako at tinago sa likuran nya.
"Wag kang makikialam dito!" pagalit na sigaw ni Elaine.
"You're insane! Wag na wag mo na uli lalapitan si Yoshabel or else hindi mo magugustuhan ang maari kong gawin sayo!" iyon lang ang narinig kong sinabi nya at agad nya na akong hinila palayo sa lugar ni Elaine.
"Ano ba naman kasi ang ginagawa mo dun? At nasan ang boyfriend CEO mo hah?" pagalit nyang tanong sakin habang hila-hila nya ako.
"Nag-CR lang naman ako ng makasalubong ko sya!" sagot ko dito.
"Sinaktan ka ba nya?" - Renz
"Okay lang ako, mabuti nalang at dumating ka! Salamat Renz." - ako
"Nah, it's okay! Oh pano hindi na kita mahahatid sa table, baka mamaya biglang magwala pa ang Big Boss natin pag nakita tayong magkasama!" Renz said at naglakad na nga sya paalis.
Kinawayan ko na sya bilang pagpapaalam at dumiretso na ako sa table namin.
Nakarating na ako sa table namin ngunit wala parin doon si Jayden. Si Sebastian naman ay may kausap sa cellphone.
Umupo na ako sa upuan ko at uminom ng kaunting tubig. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng putok ng baril at nasundan pa ito ng isa hanggang sa nagsunod-sunod na ito. Agad akong kinabahan sa nangyayari. Nakita kong tumayo si Sebastian at lumapit sakin.
"Mam, we need to leave the place as soon as possible." Sabi nya sabay hawak sa kamay ko.
"Wait! What's happening here? Where's Jayden?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko po alam, but my priority right now Mam is you, we have to leave." - Sebastian
"NO! HINDI AKO AALIS DITO HANGGAT WALA SYA!" tumayo ako at tumakbo papunta sa lugar kung saan lumabas kanina si Jayden.
Hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari pero kaylangan ko syang makita.
Napahinto ako sa pagtakbo ng may makasalubong akong lalaki na may takip ang mukha. Nakamaskara sya ng puti. Natuon naman ang paningin ko sa baril na hawak nito.
Itinaas nya iyon at itinutok sakin. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya napapikit nalang ako at marinig ang putok ng baril.
Patay na ba ako. I opened my eyes and saw him lying on the floor with blood. Tumingin ako sa likod and I saw Sebastian holding a gun. So sa kanya nga nanggaling iyon.
Lumapit sya sakin at hinila na ang kamay ko.
"Sebastian, we need to find Jayden!" naiiyak kong sabi.
BINABASA MO ANG
Fixing the Broken, Breaking the Fixer (BOOK 1)
RomanceWhat will you do if you have to choose between the man you love the most who has been part of your life and the other one is your family. Prinsipe sya, katulong lang ako.Nasa kanya na ang lahat, walang-wala naman ako. We promised that we will figh...