Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter as your support. Thank you po!
Chapter 7 (FBBF) - Father and Son and Daughter: The Encounter
Third Person's POV
Samantala, hinihintay ni Jayden ang Personal Assistant sa loob ng sasakyan.
"Bakit ba sobrang tagal non" – sabi sa sarili ng binata.
Lingon dito at lingon doon na ang ginagawa niya ng biglang may mahagip ang kanyang mga mata sa isang lugar. Nakita nya rin na nakapaskil ang kanyang larawan sa Shop na iyon. Pero ang mas hindi nya nagustuhan ay nang Makita niyang tinulak ng taong nagbabantay doon ang isang batang lalaki dahilan para matumba ito habang ang kasamang batang babae naman nito ay iyak na ng iyak ...
Dali-dali syang bumaba ng sasakyan at patakbong tinungo ang Shop.
"Sir! Saan po kayo pupunta?" sigaw at tanong ni Sebastian dahilan para mapalingon sya sa dito.
"May aayusin lang" seryosong sagot nya dito.
Natumba si Yosh ng bigla syang tinulak ng tindera ng shop. Agad syang napaupo pero hindi iyon naging dahilan para umiyak sya. Kaylangan nyang maging matapang, kumbinsi nito sa sarili. Tinitigan nya ng masama ang babae habang gusto na nyang puntahan ang kapatid na umiiyak.
Tumayo sya sa pagkakaupo para puntahan ang kapatid na umiiyak para patahanin ito, alam nya na natatakot na talaga si Drew sa mga nangyayari.
Nang makatayo ay dali-daling tumakbo ito sa kinaroroonan ng kapatid pero nahawakan ng tindera ang isa nyang kamay.
"Let me go, let me go, You witch! Let me go!" sigaw nya ng paulit-ulit habang hawak-hawak ang mga kamay nya. Pero mas hinigpitan pa ng babae ang pagkakahawak sa kanya. Dahilan para mapasigaw na sya sa sakit.
Pinilit nitong abutin ang babae pero hindi nya magawa dahil maliliit lamang ang mga braso nya. Halos mapapaiyak na rin sya sa sakit habang pumipiglas. Hinawakan nang sobrang diin si Yosh sa mga pisngi nito. " I'll sue you! You witch! I'll sue you!" paulit-ulit pa nyang sabi.
"Kung hindi ka tinuturuan ng magulang mo ng magandang asal, pwes ako ang gagawa sayo nun!" turan pa ng babae
"Mommy! Uwahhh, uwahhh! Mommy, I'm scared. Mommy" sigaw ni Drew sa loob ng store.
Dahil sa iyak na iyon ni Drew, mas lalo pang nagpumiglas si Yosh na makawala sa babae. Nakaisip sya ng paraan. Bigla nitong tinapakan ang mga paa nito dahilan para makawala sya sa pagkakahawak ng babae.
Agad na nakabawi agad ng lakas ang babae at nahablot sa likod ng damit ang batang lalaki.
"Sobrang laki na ng kaguluhan ang nagawa nyong magkapatid dito, at eto ang dapat gawin sayong batang bastos ka!" itinaas ng babae ang kamay para sampalin si Yosh ng biglang bumukas ang pintuan ng store nila.
"Subukan mong ituloy yang gagawin mo at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo!" isang malakas at galit na tinig ang nagpahinto sa kaguluhan sa loob ng tindahan.
Agad na lumapit si Jayden sa umiiyak na batang babae at kinarga ito. Napahinto si Drew sa pag-iyak at tinignan ang lalaking bumuhat sa kanya.
Agad na napatitig si Jayden sa itsura ng batang babae na ngayon ay nasa mga bisig niya. Napako ang mga mata nito sa luhaang mga mata nito. Sobrang puti ng bata na halatang hindi ito dito sa Pilipinas lumaki. Pero pakiramdam nya ay nangungusap sa kanya ang mga mata nito at pati ang itsura nito na animo'y may gustong sabihin.
BINABASA MO ANG
Fixing the Broken, Breaking the Fixer (BOOK 1)
RomanceWhat will you do if you have to choose between the man you love the most who has been part of your life and the other one is your family. Prinsipe sya, katulong lang ako.Nasa kanya na ang lahat, walang-wala naman ako. We promised that we will figh...