Epilogue

11K 210 24
                                    

Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter as your support. Thank you po!


Epilogue

May mga bagay na napakadaling simulan pero mahirap tapusin. Eto yun ehhh...

Yoshabel's POV

I'm here and standing while looking at his gravestone. It seems that everything just happened yesterday.

Ngayon nga ay tinitignan ko na ang batong parisukat kung saan nakasulat ang pangalan nya.

Flashback

"To be honest with you, we only have 10% chance that your son will be able to survive this. His body is so fragile, even his heart na natamaan ng bala. We don't have nothing but miracle can only save his life." Nakatingin lang ako sa table ng doctor habang sinasabi nya ang kalagayan ni King. Ayoko nang umiyak, kaylangan naming maging malakas. Halos si Jayden lang din ang nakikipag-usap sa doctor. I'm just listening to them.

Simula ng dinala namin dito si King, dalawang araw na ang nakakaraan ay wala pa rin syang malay. Sinabihan na rin kami ng doctor na wala na ring pag-asa na malalagpasan pa nya ito. Naramdaman ko nalang ang pagtapik sakin ni Jayden dahilan para tumayo na ako at lumabas na kami ng opisina nito.

Dumiretso na kami sa kwarto kung saan naroroon si King. Naabutan namin doon sina Drew at Yosh na hanggang ngayon ay gising pa. Pumasok na kami dito at lumapit sa kanila.

Tinignan ko naman si King na nakahiga sa kama nito. Sobrang dami na nakatusok sa katawan nito. Magtatatlong araw na rin syang nakahiga dyan at walang malay.

Lumapit ako dito at hinawakan ko ang kanang kamay nito.

"King sorry, pero ayoko pang payagan kang umalis, hanggat nakikita kong lumalaban ka, lalaban din kami." Naiiyak kong sabi sa kanya.

"Hon, kaylangan mo munang umuwi para makapag-pahinga" sabi sakin ni Jayden.

Tumingin lang ako sa kanya.

"I'll stay here" sabi ko

"Okay, dito lang din ako."

"Pero kaylangan ng makauwi ng mga bata." sabi ko.

He looked at Yosh and Drew. "Ikaw na muna ang bahala sa kanila, ayokong iwan si King dito" sabi ko sa kanya.

"Pero kaylangan mong magpa—

"Pero kaylangan ako ng anak natin!" lumapit ako sa kanya.

"Jayden, ngayon ko nalang makakasama ulit ang anak natin, iniwan ko sya non, at gusto ko na ....." napahinto ako sa pagsasalita dahil hindi ko kayang sabihin ito.

"gusto ko na kahit sa huli, kasama ko sya at kasama nya ako." Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko.

"Okay, isasama ko lang ang mga bata para bumili ng pagkain, babalik din kami agad" hinalikan ako ni Jayden sa labi pagkatapos ay lumapit na sa dalawa.

Nagising ako ng makaramdam ako ng panginginig at tuluy-tuloy na pagtunog ng isang bagay. Agad kong inangat ang ulo ko at nakita ko si King na nanginginig ang katawan nito. Kasabay nito ang unti-unting pag pantay ng linya sa makina na malapit dito.

"King" sigaw ko. "Dok..." agad akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa opisina ng doctor para tawagin ito pagkatapos nito ay bumalik ako kay King pero hindi na ako pinayagan na makapasok sa loob.

"Mommy!" sabay na tawag sakin ng kambal. Lumapit sila sakin at niyakap ako.

"Hon, what happened?" tanong sakin ni Jayden.

Fixing the Broken, Breaking the Fixer (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon