Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter as your support. Thank you po!
Chapter 18 FBBF - The Sick Prince
Yoshabel's POV
Naglalakad na ako papasok ng building. Binati ko ang mga security guard ganon din ang mga receptionist at nagtuloy-tuloy na ako papasok sa elevator. Papasara na ito ng may kamay na biglang humarang dito.
"Renz" nasabi ko nalang.
"Hi Yoshabel" nakangiti nitong sabi.
"Kamusta?" tanong ko sa kanya.
"Eto Gwapo pa rin " sabay pogi sign
"Yan tayo ehh, hahahha" natatawa kong sabi.
"Kaylan ka pala free?" tanong nya.
"Weekend sana pero may mga ginagawa din ako nun" ako
"So wala pala talaga tayong pag-asa na makakain sa labas." Sya.
"Sorry hah, alam ko may utang pa ako sayo, anyway babawi ako sayo, pangako." Ako
"Sinabi mo yan hah" sya, tumunog ang elevator at huminto ito sa 40th floor. Lumabas na sya. Ako naman kase sa 45th pa nga diba.
Papasok na ako sa opisina namin, namimiss ko na sya, parang matagal-tagal ko syang hindi nakita ahh. Sabi ko sa sarili
"Good morning Mam," nakangiting bungad sakin ni Sebastian.
"Good morning din Sebastian, is the Big Boss already inside the office" - ako
"Hindi po sya makakapasok ngayon" sya.
Bigla akong nalungkot. Baka may date, dun sa magandang babae.
"Ahh ganon ba" nalungkot ako at nagtuloy-tuloy nakong pumasok sa loob.
"The Big Boss is sick" sabi nito.
May sakit si Jayden? At tinatablan pa pala ang katawan nya ng sakit. Bigla naman akong nag-alala. May nag-aalaga kaya sa kanya ngayon? Baka meron. Siguro nandun yung babaeng kasama nya. Nagkita lang sila, nagkasakit na. Hmfff. At pumasok na ako sa loob.
10 am na pero hindi gumagana ang utak ko sa pagtatrabahaho. Honestly, simula ng umupo ako dito, it is Jayden who occupied my mind the whole time.
Tumayo ako sa table upang pumunta sa comfort room.
Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin at maayos pa naman. Kinuha ko ang bag ko at lumabas nako ng opisina.
"Sebastian, mag half day lang ako ngayon hah." I said to him.
Bumaba na ako at lumabas ng building tower na to. At nag-abang ng taxi.
After an hour, bumaba na ako ng taxi.
Nandito na ako ngayon sa tapat ng condominium ni Jayden. Bahala na, bibisitahin ko lang naman sya.
Kumatok ako ng kumatok. Maraming beses na 'kong kumatok pero wala pa ring sumasagot o bumubukas ng pinto. Hinawakan ko ang doorknob nito. Bukas naman pala.
Madilim ang paligid. Wala naman ata sya dito ehh pero ramdam ko naman ang lamig na nanggagaling sa aircon. Nagtuloy-tuloy pa ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng kwarto nya. Binuksan ko yon. Dun ko sya nakita na nakabalot ng comforter nya.
Agad ko naman syang nilapitan.
Grabe lang may sakit na nga ang lakas pa ng pagkakabukas ng aircon. Nakita ko sya dun na mahimbing na natutulog. Hinawakan ko ang noo nito at sobrang init nga nya.
BINABASA MO ANG
Fixing the Broken, Breaking the Fixer (BOOK 1)
RomanceWhat will you do if you have to choose between the man you love the most who has been part of your life and the other one is your family. Prinsipe sya, katulong lang ako.Nasa kanya na ang lahat, walang-wala naman ako. We promised that we will figh...