Chapter 46 FBBF

5.4K 121 9
                                    

Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter as your support. Thank you po!


Chapter 46 FBBF

Third Person's POV

"Kaylangan nyo pong sumama sakin, kaylangan po kayong makita ni Daddy, kung hindi ay magpapakasal na sya sa iba." Sabi ng bata sa kanya. Muli nya itong tinignan at maaaninag sa kanya ang pagtataka.

Yung itsura ng bata, para bang matagal na nya itong nakita. Gusto man nya itong alalahanin ay sumasakit lang lalo ang ulo nya.

"Kilala mo ba ako?" tanong nya sa bata.

"Opo, kayo po ang Mommy ko." Nakangiti ng tugon sa kanya ni King.

"Pano mo naman nasabi?" dagdag nya pa.

"Ikaw po ang nasa picture na kasama ng Daddy, ni Ate at ni Kuya." Sabi sa kanya ng tatlong taong gulang.

"Mommy, ihatid nyo nalang po ako sa amin, I can give you my exact address. Please po" hawak-hawak na sya ng bata sa kanang kamay. Dahil sa marami din syang tanong na gusto nyang masagot, tumayo sya at nagpatangay sa panghihila sa kanya ng bata.

Jayden's POV

"Kasalanan nyo po ito Daddy, kung hindi po sana ninyo sinabi na papakasalan nyo ang babae na yun, hindi sana nawawala ngayon si King" iyak na sabi sakin ni Drew.

"DREW! STOP IT!" si Yosh.

"Hindi mo dapat sinasabihan ng ganyan ang Daddy mo!" si Mama.

"Kayo po Lola, hindi ba kayo din po ang nagtutulak kay Daddy na magpakasal? Diba ikaw din ang pumipi----

"DREW!" nakita kong nakatayo na si Yosh. Tinitigan nya lang ito ng masama at maya-maya pa ay nakita kong tumakbo sya paakyat ng kwarto habang umiiyak.

Kasalanan ko talaga lahat ng ito. Kung sana ay naging malakas lang ako hindi sana ganito ang mangyayari. Alam ko na sa simula pa lang ay ito na talaga ang magiging reaksyon ng tatlo. Bakit ba ang tanga-tanga ko. Yoshabel, kung nasaan ka man, please, bantayan mo ang anak natin. Alam kong hindi mo sya papabayaan.

"Tignan mo na ang inasal ng anak mo na babae? I told you Jayden, kaylangan na talaga nilang magkaroon pa ng tatayong ina." Si Mommy habang hawak-hawak nito ang noo at nakapikit.

"Hindi po masama ang ugali ng kapatid ko!" nakatingin lang sa sahig si Yosh habang sinasabi iyon.

"Isa pa, masaya naman kami kahit walang tumatayong ina para sa amin, dahil naaalagaan kami ng Daddy!" napatingin ako kay Yosh. Nakikita ko ang pagtaas-baba ng balikat nito. Umiiyak sya. Nakita kong lumapit si Mama dito.

"Apo, syempre, kaylangan din namang sumaya ng Papa mo, kaylangan din nya ng magmamahal sa kanya." Rinig kong paliwanag nya dito.

"Bakit po? Hindi po ba namin sya napapasaya? Hindi nya po ba nararamdaman na mahal na mahal namin sya?" si Yosh.

"No no no, hindi ganoon ang ibig kong sabi---

"Daddy!" tumakbo palapit sakin si Yosh na umiiyak at yumakap sakin.

"Nahihirapan ka na po ba samin? Daddy!" si Yosh "Hindi mo na ba kami mahal? Ang mommy, hindi mo na po ba sya mahal" patuloy pa rin sya sa pagiyak sa mga bisig ko.

"No! Hindi totoo yan" hinihimas ko ngayon ang ulo nya.

"Mahal na mahal ko kayo. Kapag nawala pa kayo kay Daddy, mawawala na rin sya." Sabi ko pa dito. "Kapag nawala ang isa sa inyo, sobra akong malulungkot" dagdag ko pa. At niyakap ko sya nang sobrang higpit.

Fixing the Broken, Breaking the Fixer (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon