Chapter 13 FBBF - Montereal's Only Prince Part 2

7K 129 42
                                    

Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter as your support. Thank you po!


Chapter 13 FBBF

Flashback

Yoshabel's POV

Nandito kami ngayon sa tapat ng mansion ng mga Montereal kung saan ginaganap ang birthday niya. Isang malaking handaan nga talaga to. Nasa kabilang side ko naman sila Alex at Monika. Kaylangan ko syang makita. Tinanong nya ako dati kung kaya ko ba syang ipaglaban. At narito nga ako ngayon sa tapat nila kukunin ko sya. Ipaglalaban. Hindi ko hahayaan na mawala sya sa akin.

Masyadong mahigpit ang security nila.

"Besty, ready ka na ba?" tanong sakin ni Monika.

"handang-handa na ako kanina pa," -ako

Bumaba na kami sa sasakyan ni Monika. Naunang bumaba si Alex.

Papasok na sana kaming tatlo ng bigla kaming hinarang ng mga security guard.

"Mga Maam, nasaan po ang gate pass ninyo?" tanong samin ni Security guard 1

Nagkatinginan lang kaming tatlo. Maya-maya pa nakita ko naman ang titig sa akin ng isa pang guard at bumulong sya dun sa Security guard 1. Mukhang nakilala ata ako ahh.

Bigla silang tinulak ni Monika at sya namang karipas namin ng takbo. Malapit na kaming maabutan, huminto si Alex at hinarangan ang mga guard.

Tiningnan namin sya ni Monika at sumenyas na mauna na kami. Mas marami pa kaming makakasalubong ni Monika na mga bantay at medyo nagkakagulo na sila.

Nalaman ata nila ang tungkol sa gulo na nagawa namin. Maya-maya narinig ko ang tili ni Monika. Nahawakan na pala sya hahawakan na rin sana nya ako ng bigla syang kinagat ni Monika sa kamay dahilan para hindi ito matuloy. Sinenyasan nya akong tumakbo at yun nga ang ginawa ko.

Unti-unti ko ng nakikita ang lugar kung saan ginaganap ang handaan para kay Jayden. At nakikita ko na rin sya. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko habang unti-unti kong nasisilayan ang masungit nyang mukha.

Eto sya ehh, eto yung mukha nya na sobra kong namimiss araw-araw. Ang Jayden ko. Ang mahal na mahal ko.

Lalapit na sana ako pero bigla akong pinalibutan ng mga security guard. Grabe lang, ano bang tingin nila sa akin, nakatakas na inmate? Tinanggal ko ang isa kong sapatos at binato ko sa isa na nagtangkang lumapit sakin, natamaan ko ito sa ulo.

Habang kinuha ko ulit ung isa pa, at ibinato rin iyon. Dahil nga marami sila, nakalapit na sila sa akin at nahawakan na nila ako. Pero pilit pa rin akong kumakawala. Dahilan para makatakas ako.

Hahawakan sana ulit ako ng isa pang guard ng bigla akong may marinig na sumigaw.

"DON'T YOU DARE TOUCH HER OR I'LL KILL YOU!" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. At nakita ko si Jayden na humahangos na nakatayo.

Maya-maya pa ay sumugod na sya, isa-isa na nyang pinagsusuntok ang mga guard habang ako heto nakatayo lang habang pinapanood sya. Naalala ko ang sinabi nya noon.

"Just love me, and let me do the fighting" ito nayun. Bigla nalang may humablot sa akin na malaking lalaki. Hinawakan nya ako sa braso.

Nagpumiglas ulit ako, pero sobrang higpit ng hawak nya sakin kaya kinagat ko nalang sya. Napasigaw sya sa sobrang sakit dahilan para maitulak nya ako at napahiga ako sa lupa.

Fixing the Broken, Breaking the Fixer (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon