Chapter 28 FBBF - Where's Daddy?

7K 140 0
                                    

Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter as your support. Thank you po!


Chapter 28 FBBF - Where's Daddy?

Yoshabel's POV

"Starting tomorrow, wag ka nang pumasok" sabi nito habang busy sa pagmamaneho pauwi na kami sa Maynila.

"Hindi pwede, kaylangan ko rin syempreng magtrabaho." Ako

"Ako na ang bahalang bumuhay sayo at sa mga anak natin" tanong nya sakin.

"Ehh ano ang magiging ganap ko sa mga bata? Wala? Eh ikaw? Anong magiging ganap ko sayo?"

Wala akong nakuhang sagot galing sa kanya dahil hindi na sya nagsalita.

Tinuon ko nalang ang tingin ko sa labas upang maitago dito ang pagkadismaya ko sa kanya.

Buong byahe ay tahimik lang kami at gabi na nang makarating kami sa apartment.

Inakyat na nya ang mga bata sa kwarto nila habang ako naman ay dumiretso na sa kusina.

Naiinis ako dahil ganyan sya.

Masakit na hanggang ngayon may parte pa rin sa amin na hindi pa ayos.

Uminom ako ng tubig.

"Bakit hindi ka pa umaakyat para magpahinga?" rinig kong tanong ni Jayden. Hindi ko sya tinignan o pinansin. Tumayo na ako at hinugasan ang baso. Nilagay ko na ito sa lagayan at saka ko sya nilagpasan.

"WHAT'S YOUR PROBLEM WITH ME?" sigaw nya nang nasa hagdan nako.

"Why not try to answer your own question!" I said.

"Alam mo ang labo mo rin ehhh, binibigay ko na nga sayo lahat, ako na nga ang bumababa pero ganyan ka! I don't know what will I do" sya.

"Ano ba ang plano mo sa amin ng mga anak mo? Sa akin, ano ang plano mo? Sa fiancé mo? Sa mga magulang mo? Anong plano mo hah?" tuloy-tuloy kong tanong.

Natameme naman sya sa mga sinabi ko. Speechless kung baga.

"See? Wala kang plano, wala kang konkretong plano! Eh ako? Parausan? Kapag naiinitan ka? Magiging kabit mo?" dagdag ko pa.

Nakita kong tulala pa rin sya. Para bang ngayon lang ulit nya naisip ang mga bagay-bagay.

Bumaba ulit ako ng hagdan at lumapit sa kanya.

"Jayden, kahit wala kang plano sakin, kahit hindi na ako kasama sa mga pangarap mo, but please, nakikiusap ako, wag na wag mong kukunin sa akin ang mga anak ko! Ang mga anak natin!

"Pag nawala sa akin ang kambal! Ikakamatay ko! Please!" naiiyak kong sabi. Tumalikod na ko at nagpatuloy sa pagakyat sa taas.

Nanatili pa rin syang walang imik.

Pumasok na ako ng kwarto.

....

It's Thursday at maaga akong gumising, maghahanda muna ako ng agahan.

Agad kong hinanap si Jayden, hindi ko na sya naramdaman simula pa kagabi.

Bumaba na ako, baka nauna syang bumaba!

Pero wala pa rin sya. Kung ganon, umalis nga sya kagabi. May narinig kasi akong tunog ng sasakyan. Hindi siguro sya umuwi.

After an hour, hinahanda ko na ang agahan ng kambal.

Fixing the Broken, Breaking the Fixer (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon