Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter as your support. Thank you po!
Chapter 27 FBBF
WARNING: Rated SPG! BAWAL BATA!
Yoshabel's POV
Thirty minutes na ang nakalipas pero wala pa rin si Jayden. Ano na ba nangyari dun, maya-maya pa ay may narinig na akong sasakyan na huminto.
Umupo ulit ako sa lamesa para naman kunwari naghihintay ako sa kanya where in fact, sa dala nya talagang pagkain ako mas excited, hahah, syempre joke lang yun, mas mahalaga pa rin ang asaw—napahinto ako sa naisip nayun, hanggang ngayun hindi ko alam kung ano nga ba ang estado namin.
Hindi pa namin napapag-usapan ang tungkol sa amin.
At isa pa ay may girlfriend sya, the worst is, fiancé niya pa ito.
Nakita ko nalang sya na humahangos na pumasok ng kitchen habang mababanaag dito ang mga pawis na tumutulo mula sa noo pababa sa leeg. Kahit ganun pa man, hindi pa rin maitago nito ang kakisigan.
Pumasok pa sya sa loob para kumuha ng mga pinggan at baso then isa-isa na nyang nilabas ang mga binili nya.
Laking tuwa ko na lang talaga ng makita ko na ang maraming mangga at may bagoong sa mangkok. Sumunod naman ang ice cream na ube flavor na nilagay nya sa isang garapon.
"Umupo ka lang dyan" sabi nya habang nakangiti and then he removed his t-shirt pagkatapos ay umupo na sya.
Hindi ko alam kung saan ba ako naglalaway, sa mangga ba o sa katawan nya.
At nagsimula na nga syang magbalat ng mga mangga. Alam nyo ba kung ano ang itsura nya.
Seryoso syang nakatingin sa manggang binabalatan habang nakalabas pa ng kaunti ang dila at kagat-kagat iyon. Grabe nakikita ko pa ang mga tumutulong pawis sa parteng dibdib nya. Parang bata lang sya na nag-eenjoy sa laro na ginagawa nito.
Natigil ang pagpapantasya ko sa katawan nya ng bigla syang sumigaw.
"Okay Baby one down." Magiliw nyang itinaas at itinapat ang mangga na nabalatan sa mukha ko. Ako naman eto ang reaksyon ko -__-
"Why?" nagtataka nyang tanong.
"Anong gagawin ko dyan? Itatanim? Eh halos buto na lang ang natira ehhh!" pagmamaktol ko pa. Eh pano ba naman, halos maubos na ang laman ng mangga sa sobrang kapal ng pagbabalat nya.
Bigla syang nalungkot.
"Ganun ba? Sorry." Akmang itatapon na sana nya ang binalatang mangga ng bigla ko itong kinuha, isanawsaw sa bagoong at kinain.
"Ano pang tinititig-titig mo dyan? Balatan mo pa ako ng mangga, gusto pa namin ni Baby!" sabi ko habang kinakain iyon.
Bumalik naman ang mga saya nya sa labi at pinagpatuloy na ang pagbabalat.
"Kadiri ka, baka mapurga si Baby sayo dyan sa kinakain mo!" sabi sakin ni Jayden.
"Eh bakit ba, sa masarap ehhh" at sinawsaw ko pa ang mangga sa Ice cream at sinubo ito sabay subo naman ng bagoong.
"Gusto mo?" magiliw ko pa ngang alok sa kanya.
"H'wag na sayo na, mukhang kulang pa nga sayo yan ehh" pabulong nyang sabi.
Pinanono0d nya lang ako magdamag hanggang sa maubos ko na nga ang mga kinakain ko. Medyo inaantok na rin ako. Pagtripan ko pa nga sya, in fact, eto naman ang gusto nya diba, hahah, sasagarin ko na. Nagmumog muna ako sa sink, dun nalang ako mag-toothbrush sa taas.
BINABASA MO ANG
Fixing the Broken, Breaking the Fixer (BOOK 1)
RomanceWhat will you do if you have to choose between the man you love the most who has been part of your life and the other one is your family. Prinsipe sya, katulong lang ako.Nasa kanya na ang lahat, walang-wala naman ako. We promised that we will figh...