Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter as your support. Thank you po!
Chapter 15 FBBF - The Broken Prince Part 2
Flashback
Yoshabel's POV
Nandito na ako ngayon sa restaurant kung saan kami muli magkikita ng Mama ni Jayden.
Tahimik ko lang syang hinihintay. Tuluyan ko na ngang tinapos ang kung anong meron kami. Parang tinapos ko na rin ang sarili kong buhay.
At sa mangyayari mamaya, alam ko na tuluyan na syang mawawala sa akin.
Dumating na ang hinihintay ko. Sumunod ako sa kanya at sumakay sa itim na sasakyan. Tahimik lang kaming lahat sa loob nito. Wala na akong gana. Ayoko ng mabuhay pa. natatawa nga ako ehh, nagawa kong saktan si Jayden.
Huminto ang sasakyan sa isang mataas na condominium. Medyo mahaba-haba din ang naging byahe namin. Hindi ko lang alam kung nasaang parte na kami ng Pilipinas, wala akong pakialam. Sana pagkatapos ng lahat ng ito, mawala na ako, yung hindi na ako magising pa.
Pumasok kami ng mama nya sa isang condominium dito. Sa itsura pa lang nito, halata mo na lalaki ang may-ari.
"Take your seat," she said.
umupo lang ako ng walang imik, nakatulala, nakatingin lang sa isang direksyon.
Naglalakad palapit sakin ang mama nya. May dala-dala itong baso ng tubig.
"Here, drink this" -she said.
Inaabot nya sakin ang isang gamot at tubig. Tinitigan ko lang ito. Para bang kapag kinuha ko ito, mawawala na talaga sya sa akin ng tuluyan.
Inabot ko na sa kanya ang mga binibigay nya. Tinignan ko ang maliit na gamot na hawak ko. Pag-ininom ko to, hindi ko na sya makikita. Kapag ininom ko to, wala na talagang pag-asa sa amin.
Pero kahit ano pa ang mangyari, isa lang ang sigurado ako, itong puso kong ito, matutulog na panghabang-buhay.
I drink the medicine and after that, everything went black.
......
"MGA HAYOP KAYO" isang malakas na tinig ang nakapagpagising sakin. At isang malakas na kalabog ang sinundan nito.
Dinilat ko ang mga mata ko kung ano nga ba ang nangyari sakin. Napansin ko ang lamig ng paligid. Nang tingnan ko ito, dalawang lalaki ang nag-aaway sa sahig. Isang hubad na lalaki ang kanina pa pinagsusuntok ng kung.... Wait. Si ..
"James?" nasambit ko na lamang. Nakikita ko sya ngayon na hubo't hubad habang pinagsusuntok ni Jayden. Tatayo na sana ako para awatin sila ng mapansin kong hubad din ako at walang saplot sa katawan. Anong nangyari? Tanong ko nalang. So eto pala ang plano ng mama nya.
"WALANG HIYA KA! PUT*NGNA KA! PAPATAYIN KITANG HAYOP KA" halos rinig kong sigaw ni Jayden.
Ibinalot ko ang kumot sa sarili ko. At dinaluhan sila.
"Jayden, tama na" pinipigilan ko na sya. Pero sadyang malakas lang talaga sya.
"Jayden, tama na please" niyakap ko na sya paatras at pinipigilan. Gosh, baka makapatay sya. Pero hindi pa rin sya nagpapaawat.
BINABASA MO ANG
Fixing the Broken, Breaking the Fixer (BOOK 1)
RomanceWhat will you do if you have to choose between the man you love the most who has been part of your life and the other one is your family. Prinsipe sya, katulong lang ako.Nasa kanya na ang lahat, walang-wala naman ako. We promised that we will figh...