Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter as your support. Thank you po!
Chapter 44 FBBF
Jayden's POV
"DADDDDDDDDDY--------- Gising po! I'm starving already!" sigaw ng malakas na boses sa kwarto ko.
"Andrew, I told you, let me be the one to cook for you." Sabi ng isang boses na halatang nasa likuran lang din ng nagsalita.
Actually, I'm already awake, nakikiramdam lang ako kung paano nga ba ako ulit kukulitin ng dalawang ito.
"NO! I don't want you to do that! I want Daddy's cook, yours is terrible" King said.
"That's enough, kiddo!" umupo ako mula sa pagkakahiga.
"Yehheey, gising na si Daddy!" sigaw nito.
Sya nga pala si King Andrew Martinez Montereal, ang bunso ko.
King is 3 years old already. Kung gaano kakulit si Drew nung bata pa, triple pa sa sobrang kakulitan ang batang ito. King Andrew is not just acting, doing, speaking just like a normal 3-year old do, but he acts like a young adult. Tatlong taon na rin ang nakakalipas ng mawala sya pero para bang kahapon lang ito.
Sariwa pa rin ang sugat, ang sakit, and until now, I'm still praying that God will wake me up with this nightmare. Pero hindi ehh! Ito na talaga ang realidad ng buhay. Kung nakikita rin siguro nya si King, for sure, matutuwa sya dito.
"Huy Daddy! Gwapo ko ba? Wag ka mag-alala, nagmana lang po ako sayo!" nakita kong winasiwas nya ang kaliwang kamay sa mukha ko sabay pogi sign. Agad naman nyang naputol ang pag-iisip ko at napangiti. Hinawakan ko sya sa tuktok ng ulo at ginulo-gulo ang buhok nya dito.
"Hahahah, sorry ka boy, hindi mo pa rin mapapantayan si Daddy" pagbibiro ko sa kanya.
"Papantayan rin po kita, Daddy, just wait!" balik na sabi nito habang nakangiti
"Ano bang kaylangan mo kay Daddy?" tanong ko sa kanya.
"Cook for me please!" sabi nya habang magkalapat ang dalawa nyang mga kamay.
"Okay! Just wait for me downstairs, I'll be there in a minute."
"Yehheeyyyy!" malakas na sigaw nito.
"Sige Dad, we'll wait for you there, hoy Andrew, tara na" sabi ni Drew.
Natatawa nalang ako, nakahanap rin ng katapat si Drew, yun nga ay iyong kapatid nya.
King is the combination of Drew and Yosh's attitude, sobrang kulit, pero napakaraming alam, mabilis pang matuto. Yun nga lang, kapag hindi sya masyadong nabantayan, malamang ay mapapaaway ito dahil lapitin sya ng gulo.
Nung nakaraang linggo lang ay pinatawag ako sa eskwelehan nila only to find out na nakipagaway pala ito. Naisip ko lang, hindi siguro ito lalaki ng ganito kung nabantayan ko lang at natutukan sila ng maayos.
Sa ngayon kasi, I'm trying my best to balance everything.
My work, business and my children. Wala na nga akong oras para sa sarili ko. Simula din nung nawala sya, nawalan na rin ako ng gana na tumingin sa ibang mga babae. Kung may mga magtatangka man, mukha pa rin nya ang hinahanap-hanap ko.
Lumabas na ako ng kwarto at nagpatuloy na sa kusina para lutuan sila. Don't get me wrong, may mga kusinera naman kami, pero ewan ko ba dito sa batang iyon, bakit ako pa ang naisipan nyang magluto.
BINABASA MO ANG
Fixing the Broken, Breaking the Fixer (BOOK 1)
RomanceWhat will you do if you have to choose between the man you love the most who has been part of your life and the other one is your family. Prinsipe sya, katulong lang ako.Nasa kanya na ang lahat, walang-wala naman ako. We promised that we will figh...