Kabanata 13

10 1 0
                                    

Kabanata 13

reject


Sabado ngayon at plano kong lumabas at mamasyal at maligo na rin sa talon because it was quite a stressful week and I'm glad that it's over. Hindi na gaya noon ang mga kakailangan kong gawin dahil tapos na ang school year, ngayon, ang kailangan ko nalang pagtuunan ng pansin ay ang aking clearance. I think it will be easier though.


My parents already left after having breakfast and I don't know where they're going but they seem pretty busy so I didn't bother them. Lolo will probably be in his office just like the usual, doing political stuff. Kuya Javier and Ate already left to cebu and Manila yesterday kaya kami nalang ni Kuya ang nandito sa bahay kasama ang aming mga katulong at tauhan.


I brought my small nike backpack with me where I kept my phone, wallet and my clothes since I don't wanna go home wet. I just wore a simple off shoulder dress and my flats. I applied a simple makeup on my face para hindi naman ako mukhang maputla. 


Nang matapos, bumaba na din ako at nadatnan si Kuya na nakaupo sa terrace namin at ngumingiti sa kawalan. My eyebrow raised at lumapit sa kanya. Hindi naman siya natinag dahil mukhang abala siya.


Sino kaya iniisip nito at nagpapangiti sa kanya? Hmm... Is it Irish? I smirked.


"Kuya!" Mabilis siyang bumalik sa sarili at lumingon sa akin na nakakunot ang noo at mukhang nairita ko pa ata. "Oh? Ano?" Iritado niyang sambit habang umiwas ng tingin sakin.


"Uy! Si Kuya, may nagugustuhan na!" I poked his face in a teasing manner with a grin plastered on my face. Naiirita siyang lumingon sa akin at tinulak ako palayo. "Ano ba! 'Wag mo nga akong pakialaman!" Tumawa ako.


"Hmm, papuntahin ko kaya si Irish dito? Ay, may date pala siya ngayon—" Mabilis napalitan ng galit ang kanyang mukha nang marinig ang sinabi ko.


"Ano? Sinong ka-date niya ngayon?! Humanda sakin 'yang lalaki niya at sisirain ko talaga ang bungo niya!" Humalakhak ako habang tinuturo ang galit niyang mukha habang kinukuha ang kanyang cellphone at mukhang may tatawagan.


"Wait, joke lang! Huwag ka na ngang mambugbog Kuya! Alam mo bang isa 'yan sa dahilan kung bakit ayaw ni Irish sayo? Kaya kung ako sayo, magbabago na ako at magseseryoso sa buhay! Paano nalang kung kasal na kayo? Ano ang ipapakain mo sa kanya at ng mga anak niyo? Tigilan mo na iyang pagiging basagulero mo, Kuya! Bawas pogi points 'yan!" 


Napaisip siya sa aking sinabi kaya umiling nalang ako. Sana matauhan siya at sundin ang sinabi ko. Kaibigan ko si Irish kaya mas alam ko kung ano ang gusto niya.


Nagpaalam na rin naman ako kay Kuya at laking pasasalamat ko nang hindi man lang niya ako kinuwestyon at pinagbawalan. Kaya masigla akong nagtungo sa kuwadra at kinuha ang kabayo ko. Sumampa ako at kumaway sa aming tagapangalaga at nagsimulang patakbuhin ang aking kabayo. Dumaan ako sa likod ng aming hacienda at lumiko patungong bayan.


Nakangiti kong sinalubong ang hampas ng hangin na dahilan ng pagsabog ng mga buhok ko. Ang ganda ng panahon ngayon. Well, what should I expect? One more week and summer is coming. I'm sure Ate is already planning a getaway after such a stressful month.

Maybe, Probably 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon