Kabanata 2

32 4 0
                                    


Kabanata 2

harsh


Lumipas ang mga araw at naramdaman ko din naman ang pagbabago. Pinapayagan na ako ni Mommy na umalis basta't magpapaalam ako sa kanya ngunit kailangang may kasama parin ako. It's understandable naman dahil 10 years old palang ako pero kung malaki na siguro ako ay pwede na akong umalis nang walang kasama. Nagpaalam ako kay Mommy kanina bago siya umalis kaya sinabihan ko na si Kuya Robert na samahan ako.


Since may mga kabayo naman kami sa kuwadra ay gusto ko sanang matutong mangabayo kasi namamangha ako kay Kuya Javier sa tuwing nangangabayo siya. He always looked so good in horse back riding, and I bet he's the best in it too. 


"Saan tayo pupunta ngayon, Ma'am Hera?" Nakangising sambit ni Kuya Robert.


"Kuya Robert, can you just call me by my name? Ma'am Hera sounds so old when I'm only just 10 years old." Nakangiwi kong tugon na ikinatawa niya lang. "Nawi-wirduhan nga akong tumawag sa'yo niyan kasi ang bata mo pa tapos nasa trenta na ang edad ko." Naiiling niyang sambit.


"Do you know how to ride a horse, Kuya Robert?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kuwadra. "Oo naman. Bakit? Gusto mong turuan kita?" Tumango ako sa tanong niya. 


Bahagya kong tinapatan ng aking palad ang aking mukha dahil tumatama sa mukha ko ang sinag ng araw. Pinanood ko siyang nagtungo sa rancho at kumuha ng isang maliit na kabayo. It was a dark brown horse na nagpamangha sa akin pero ang liit pa niya. Sakto lang sa tangkad ko.


"Kuya Robert, hindi po ba pwedeng sa mas malaki na kabayo? Parang ang liit pa niya kasi." Umiling si Kuya Robert sa sinabi ko. "Kailangan mo munang matuto sa maliit na kabayo para madali lang sayo, Hera. Kung dediretsyo ka sa malaki ay baka mapahamak ka pa. Mamaya ay baka tuluyan na akong mawalan ng trabaho." Paliwanag niya kaya wala na akong magawa kung hindi ngumuso.


"Halika, tuturuan kita kung paano sumampa sa kabayo." Tumango ako at lumapit sa kabayo.


 Tinuruan niya ako kung paano ang tamang pagsampa sa kabayo para hindi ako matisod ng ilang minuto bago niya ako pinasampa nang walang tumutulong sa akin. Huminga ako ng malalim bago sinubukang sumampa roon, ngunit nang malapit akong matisod ay mabilis naman niya akong nasalo bago pa man ako mahulog sa lupa. 


Kinakabahang nagbuga si Kuya Robert ng hangin nang nahagilap niya ako. I smiled sheepishly at him making him sighed. Muli niya akng tinulungang makasakay sa kabayo, ngunit ramdam ko pa din ang kaba niya mula kanina.


"Natisod ka na nga sa maliit na kabayo paano pa kaya sa malaki? Kailangan mo talagang matuto para hindi ka na kailangang bantayan." Naiiling na sambit ni Kuya Robert nang makaupo na ako sa kabayo. Ngumuso nalang ako sa sinabi niya. 


"I'm still young, Kuya. I'm sure marami pa akong matututunan." Tumango siya sa aking sinabi at ngumisi na tila ba nagustuhan ang sagot ko.


Ilang araw niya akong tinuruan dahil hindi ako gaanong natututo nang mabilis kaya pinagtyagaan ko talaga. I practiced a lot in the afternoon when Kuya Robert is done with his job, at kung wala naman siya, palagi akong nage-ensayo nang mag-isa upang sanayin ang sarili ko. Nang tuluyan na akong natuto, hindi ko mapigilang magsaya dahil sa wakas ay nagbunga na ang pinagtyagaan ko nitong mga nakaraang araw. Madalas naming libutin ni Kuya Robert ang aming lupain para mas masanay ako.

Maybe, Probably 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon