Kabanata 39frustrated
Deretso kong nilagok ang alak at napapikit ng mariin. Nanuot sa lalamunan ko ang pait na lasa nito, samahan pa ang pait na nararamdaman ko ngayon. Bumuntong hininga ako at nilapag ang baso sa kahoy na lamesa.
Namumungay ang mga mata ko habang nakatingala sa buwan. It looks ethereal even in the distance. The stars were nowhere to be found, again. But the full moon seem to handle it too well because it was bigger and brighter.
It didn't care that it was alone up in the sky—or it's technically not alone. Kasama niya naman ako. O baka hindi nga lang ako dahil baka may iba ring mga tao sa iba't-ibang panig ng mundo na nakatitig sa buwan ngayon. Mabuti pa siya, mayroon pa ring kasama kahit na nag-iisa lang siya ngayon. Hindi man malapitan, ngunit may nakatingin naman.
Hindi gaya ko, mukhang unti-unti nang nalalagas ang mga tao sa paligid ko, gaya na lamang ng mga dahon ng isang puno. Nakakatawa mang isipin, ngunit talagang nag-iisa na lang ako ngayon. Wala akong ibang makausap ng matino. Wala akong malapitan. Wala akong makapitan.
Iniwan na niya ako, e. Irish left me alone. Gabriel... I can't find the courage to face him now, no matter how I badly want to. Hindi pa rin ako makapaniwalang kapatid ko talaga siya. He's my half sibling for fuck's sake. I love him! We kissed! We did worldly things!
Hindi ko alam kung paano tanggapin iyon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I'm so fucking confused.
Pa'no nangyaring... ganito kagulo ang buhay ko? Paano nangyaring sa isang iglap... nagbago ang lahat sa paligid ko? Why do I have such crazy and messy life? Bakit sa lahat ng tao, ako pa ang nilagay sa posisyong 'to? Bakit hindi nalang sa iba, tutal kaya naman nila itong lagpasan? Bakit sa'kin pa na... na kulang nalang ay magpakamatay na sa sakit na nararamdaman ko?
"Hija, hindi ka pa ba uuwi? Anong oras na," sulpot ng ginang sa harapan ko. Pinunasan ko ang takas na luha sa mata ko at nagpilit ng ngiti sa kanya.
"Pasensya na po, nakakaabala na po ba ako?" tugon ko sa maliit na boses, natatakot na sabihin niyang oo.
Bumuntong hininga siya.
"Hindi naman. Baka kasi hinahanap ka na ng mga magulang mo, umiinom ka pa dito. Baka lasing ka na ah?"
Umiling ako. "Hindi pa po ako lasing... at kaya ko naman po ang sarili ko. Bale..." napasulyap ako sa mga bote ng alak sa lamesa. Some were still full and left untouched, but most were empty already. "... tatapusin ko nalang po 'to tsaka na po ako uuwi."
Napatango siya. "O siya ubusin mo na 'yan, iwan mo nalang diyan kung 'di mo maubos. 'Wag mong pilitin ang sarili mo, magsasara na rin kasi ako."
Tipid akong ngumiti at tumango.
Agad siyang pumasok sa tindahan nila at iniwan ako doon. I sighed as I slumped on my uncomfortable seat. Napakagat ako sa aking labi at napatitig nalang sa bote ng alak.
BINABASA MO ANG
Maybe, Probably 1
RomanceHera Maureen Guevarra has always thought that life outside their huge black gate was vivacious. She always envied the other kids for having to spend their childhood well while she's... just with her dolls in their big mansion. God knows how often, s...