Kabanata 12

8 1 0
                                    

Kabanata 12

gift


Mabilis na umusad ang araw, natapos na ang aming klase at recognition. At bukas naman ay graduation naman nila Kuya, everyone in my family will come dahil narin magbibigay ng speech si Daddy para sa mga grumaduate. Kuya's wearing his toga and his suit underneath it. Ang gwapo niya sa suot niya at ang bango niya pa.


Napatingin ako sa aking regalo na nasa table, kinuha ko 'yun at nagsimulang maglakad patungo sa kanya. Napatingin siya sakin at sa hawak ko nang nasa harapan ko na siya. "Oh, Ano yan? 'Di ba sinabi ko nang hindi ko kailangan ng regalo?" Nagkasalubong ang mga kilay niya habang nakatingin sa paper bag na nasa kamay ko. 


Napangiti ako at niyakap siya habang nakatingala sa kanya. "Kuya, wala ka nang magagawa dahil nabili ko na 'to. Just accept this Kuya." Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya at inilahad ang maliit na paper bag sa kanya. Mariin niya akong tinitigan kaya ngumiti ako ng matamis.


Napabuntong-hininga na lang siya at kinuha iyon sa aking kamay saka niya binuksan. "I picked that myself for you, Kuya. Happy graduation! I love you!" I tiptoed just to kiss his cheek dahilan ng pagngiti niya. 


"Thank you, lil' sis. Paano ba 'yan, wala akong regalo sayo." Umiling ako sa sinabi niya.


"No, Kuya it's fine. You don't have to give me anything. Your love is enough." I playfully winked at him causing him to roll his eyes. Bigla niyang hinubad ang suot niyang relo at saka sinuot ang aking regalo kaya napangiti nalang ako. Bagay na bagay sa kanya.


"Let's go, guys. Male-late na tayo." Napabaling kaming dalawa ni Mommy na pababa na sa hagdan, sa likod niya ay sina Daddy, Ate, Kuya na inalalayan si Lolo kaya tumango kami nagtungo sa sasakyan namin.


Ate came home for Kuya's graduation and for my recognition too. I remember her teasing Kuya kung bakit nga ba daw siya nakagraduate dahil himala daw at hindi siya makapaniwala. Tawang-tawa ako no'n nung makita ang simangot sa mukha ni Kuya habang matalim na tingin ang binigay sa amin.


We rode in two separate cars. Kuya Javier is the one driving the car we're in habang nasa kabilang car naman si Lolo, Mommy and si Daddy. Habang may dalawa pang sasakyan na nakasunod sa amin na para sa mga bodyguards nina Lolo.


Andami nang tao ang makarating na kami sa bungad ng school. Tumingin ang lahat ng tao sa aming sasakyan saka nagbubulungan habang pinapanood kaming bumaba. Inayos ko ang aking suot na formal dress saka ako naglakad kasabay sina Ate papuntang gymnasium. Nauna na si Kuya Mateo sa amin since kailangan na nilang pumila dahil malapit nang magsimula.


"Good morning po, Governor! Magandang umaga din po sa inyo Congressman!" Bati ng principal namin at nakipag-kamayan kina Daddy. "Magandang umaga din sayo Mrs. Guzman." Bati pabalik ni Daddy. Hindi ko nalang sila pinagtuunan ng pansin.


Nilibot ko ang aking paningin sa mga grade 10 students na tumahimik at umayos sa pagpila ng makita ang aking pamilya. Nasaan na kaya si Gabriel? O si Tita Elena? I'm sure proud na proud siya sa narating ni Gabriel. Every Mother's happiness is to see their children's success along the way.

Maybe, Probably 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon