Kabanata 14

11 1 0
                                    

Kabanata 14

getaway


Lumipas ang isang linggo sa paggawa ng mga requirements at projects para sa signing of clearance. Mabilis din naman akong natapos dahil wala naman akong projects na hindi naipasa kaya pinirmahan na ng mga guro namin ang aming mga clearance. 


Mabuti nga at hindi kami nagtagal sa pagpapasign hindi gaya noong nakaraang taon na inabot pa kami ng halos isang buwan dahil palaging tumatanggi ang mga guro namin at kailangan pa naming habulin. Noong nakaraang linggo pa kami nagkaroon ng recognition day at tanging ginagawa lang namin ay para sa clearance dahil tapos na ang klase namin.


"Okay, class. Another school year has ended at sa susunod na pasukan ay grade 10 na kayo! I'm so proud of you guys dahil isang taon nalang at magko-kolehiyo na kayo at huling step na 'yon para abutin ang mga pangarap ninyo sa buhay. Sana baunin niyo ang mga aral na natutunan ninyo dito at sana ay 'wag ninyong kakalimutan ang mga alaala natin. 'Yung mga kopyahan, 'yung mga recitations, quizzes, reportings at mga tawanan natin sa loob ng silid na ito. May mga oras tayong umiiyak, 'yung mga nagsasabing hindi na nila kaya ngunit pumasok parin kinabukasan, 'yung mga kwentuhan, bangayan, harutan at mga tawanan."


Napaluha kaming lahat sa sinabi ni Ma'am. Kasalukuyan kaming nandito lahat, nakaupo sa mga upuan namin na iiwan na namin, habang nakaupo si Ma'am sa lamesa at nakangiting nagkukuwento.


"'Di bale na, magkikita parin naman tayo kaya 'wag na tayong umiyak. Masaya akong makita kayong makagraduate at walang bagsak. Lagi ninyong tatandaan na may mga pinto mang magsisira, may panibago namang pinto ang bubukas para sa inyo. Mahal na mahal ko kayo section Diamond!" Nagpapalakpakan kami at hindi na maiwasang yumakap kay Ma'am.


Wala sa sarili nalang akong napangiti. Surely, I'll miss her. Siya kasi ang pinakapaborito kong guro kasi ang chill niya lang at palabiro pa siya. Nakakasakay siya sa mga gusto ng mga kaklase ko at ang ganda ganda pa niya.


Nagsimula din naman ang summer. Umalis sina Irish kasama ang mga pamilya niya at magbabakasyon. Hindi ko lang alam sa amin dahil palagi nalang busy sila Kuya Javier kaya hindi nalang ako nagtatanong.


Dahil wala naman akong magawa, nagpasya na lang akong mangabayo para may pagkaabalahan naman ako. I'm wearing my black pants, black boots and black bralette. I bunned my hair para hindi sagabal. 


Kinabig ko ang aking kabayo at nagsimulang pinatakbo ito paikot sa aming hacienda. Ayoko munang lumabas ngayon, siguro okay na kung dito nalang muna ako. Ang lawak din naman kasi ng lupa namin at puwedeng kong gawin ang kahit anong gusto ko.


Bumati at kumaway ako sa mga tauhan namin nang makasalubong ko sila kaya kinawayan din naman nila ako pabalik. Napapikit ako sa hampas ng hangin. Ang aliwalas sa pakiramdam nang araw at hangin.


Nang mapagod din naman ako ay nagtungo ako sa aming terrace at nadatnan doon si Ate na kanina pa pala pinapanood ako. Oh, have I mentioned that Ate recently came home for vacation? 


Sumimsim siya sa kanyang kape saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Umupo ako sa harap niya at sakto namang lumapit si Manang dala ang malamig na orange juice at isang face towel. Pinasalamatan ko siya bago siya tumalikod at umalis.

Maybe, Probably 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon