Kabanata 7summer
Mabilis ang usad ng oras. March na ngayon, ibig sabihin ay magtatapos na ang school year namin. Gaya ng nakasanayan, naging busy kaming lahat para sa final examinations at sa pag-comply ng mga projects namin para sa signing of clearance.
I am sipping on the straw of my drink while writing my reflection paper for my homeroom subject. Our adviser gave this additional activity to us to reflect on our learnings and realizations now that we are now on our last days of being the youngest in high school.
Ibang-iba ang elementary days ko sa high school days ko dahil sa high school ako mas nag mature at mas natuto sa mga bagay-bagay. It's much more different in high school. There are a lot of memories to cherish in high school.
I am currently here on the side of the field, where the artificial wooden tables are. I am bobbing my head while mouthing the lyrics of what I'm listening on my earphones. Irish is currently not here right now dahil kasama niya ang boyfriend niya ngayon. Mas pinili pa talaga ang boyfriend niya kaysa sakin 'e maghihiwalay lang din naman sila. Hindi ko mapigilang umismid at matawa sa aking iniisip.
Ang tahimik dito, the thing I like the most when I'm hanging out in here. Wala kasing masyadong tumatamabay dito dahil malayo sa mga buildings namin and out of the way na din naman kasi dahil ito ang pinakadulo ng campus namin.
Kumuha ako ng fires at sinubo iyon habang binabasa ang mga sinulat ko. It already passed 500 words. Hmm... tama na siguro to. 450 words lang naman ang sinabi ni Ma'am pero masyado akong carried away, ayan naging 500 words tuloy. Mahina akong umiling.
Uminom ako sa aking ice tea at muling sumubo ng fries habang pinagmamasdan ang field sa aking harap kung saan may nagpa-practice ng soccer. Napatingin sa gawi ko ang ibang mga varsity na nagpapractice ngayon. Ngumisi ako nang lumingon rin ang isang varsity sa akin na naka-ready nang pumatid sa gitna. Kumindat pa siya at pagkatapos ay malakas na pinatid ang bola ngunit nasalo lamang iyon ng goal keeper.
I tsked. Nagpapakitang gilas pero sa huli hindi naman pala makaka-goal. Nabigla ako nang may umupo sa harap ko, dahilan ng pagkaputol ng tingin ko sa field. Iritado akong bumaling sa kanya, handa na sana siyang paalisin ngunit natigilan ako nang makita ko si Gabriel na nagsusulat sa harap ko na tila walang pakialam sa paligid.
Naestatuwa ako sa aking kinauupuan habang pinagmamasdan siyang seryosong nagsusulat sa harapan ko. Tila naramdaman niya ang titig ko dahil bigla nalang niya akong tiningnan nang may pagtataka sa kanyang mga mata.
I blinked. "Uh, you are blocking my sight." Turo ko sa likod niya pero binalewala lang niya iyon at nagpanggap na bingi. Umangat ang kilay niya bago bumalik ulit sa pagsusulat. Bumuntong hininga ako. Looks like I would need to adjust myself then. I collected my things and put it inside my bag before standing up.
"Saan ka pupunta?" Tiim bagang tanong niya sa akin. Tinuro ko ang kabilang table na walang umuupo. Saglit niyang binalingan iyon bago ibinalik ang tingin sa akin.
"Bakit ka pa lilipat, puwede ka naman dito?" I pursed my lips and glanced at the field infront of me.
BINABASA MO ANG
Maybe, Probably 1
RomanceHera Maureen Guevarra has always thought that life outside their huge black gate was vivacious. She always envied the other kids for having to spend their childhood well while she's... just with her dolls in their big mansion. God knows how often, s...