Kabanata 6

24 4 0
                                    


Kabanata 6

fate

Sunday of the 3rd week of December, nagpasama ako kay Ate na lumuwas patungong Cebu upang pumunta sa mall at mamili ng ireregalo ko kay Irish, pati na rin siguro kina Mommy para isang bilihan na.



Nang makarating kami sa SM Seaside na bagong bukas pa lamang, agad na kaming naglibot at naghanap kung ano ang magandang iregalo. I can't help but be amazed with the newly built mall, it was so huge! Ang laki-laki niya, sumakit tuloy ang paa ko sa kakalakad kahit isang oras pa ang nakakalipas.



We went to H&M and we ended up shopping. I also tried to find something that would suit Irish. Hindi nga ako nabigo dahil ang dami kong nakitang bagay sa kanya. Pare-pareho naman kami ng katawan kaya makakasya naman siguro sa kanya ang mga pinamili ko. Binilhan ko na din ng mga damit sina Kuya, kaming dalawa ni Ate ang namili ng mga damit na para sa kanila dahil pansin kong paulit-ulit na ang mga sinusuot nila.



Namili ako ng kwintas para kay Mommy and earrings naman para kay Ate. I also bought an anklet for Irish since nagustuhan ko ang design no'n. Hindi ko naman nakalimutan sina Daddy at Lolo at binilhan ko na sila ng pang-regalo. Nang natapos kami ay agad kaming nagpasyang kumain sa isang Filipino restaurant, tanaw ang dagat sa harap.



It's still 2 in the afternoon kaya tirik na tirik pa ang sikat ng araw. I ate my food quietly while Ate was doing her own business, she was checking her phone from time to time kaya hula ko ay may ka-text siya. Kadalasan pa siyang ngumingiti na pinipigilan niya sa pamamagitan ng pagkagat ng kanyang labi. I looked at her and just shrugged.



Pansin ko palagi na siyang ganyan a few months after we came back from Paris last year. Hmm, strange.



Aalis na sana kami ngunit nang madaanan namin ang isang art store ay natigilan ako. A sudden idea popped on my mind, without wasting another second, I quickly pulled Ate inside the store. Puno ng pagtataka ang kanyang mukha ngunit nginitian ko lang siya at kinuha na ang mga kakailangan kong gamit. Agad ko din naman itong binayaran nang makaalis na kami dahil malayo-layo pa ang byahe namin.



Halos maga-alas diyes na nang makauwi kami sa mansyon. Pagod na pagod kong binaba ang aking mga shopping bags sa sahig at nagpasyang maligo muna upang mabawasan ang pagod ko. Hindi na ako kumain nang yayain ni Manang dahil kumain na kami ni Ate habang nasa byahe. Nang matapos maligo ay nagbihis ako ng komportableng damit bago kinuha ang aking mga pinamili mula sa art store kanina at nagsimulang gawin ang katangi-tanging ideya na nasa isip ko.



I started printing our pictures together, while waiting for it to be done, I started cutting some colored papers and paste it on the scrapbook I bought earlier. Nang matapos ang aking prinint, I quickly cut it and paste it on every pages of the scrapbook.


I added some glitters and stickers to make the scrapbook more beautiful. Nang matapos ay kumuha ako ng scented paper at sumulat. Napangiti ako nang matapos at huminga ng malalim habang nakatitig sa aking ginawa.



I hope she can forgive me...



Kinabukasan, inagahan ko ang aking pagbangon upang maghanda. I showered and groomed myself. I wore a sleeveless heart neckline dress with a combination of red and white colors that hugged my waist well. Hapit na hapit ito sa aking baywang maliban nalang sa pang-ibaba dahil medyo flowy siya.


I wore it because I feel like it will match the theme of the party. I applied a simple makeup and braided my hair just on the sides. I smiled at my reflection and checked myself one more time before I grabbed my sling bag and gift before leaving my room.


Maybe, Probably 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon