Kabanata 21prom
"Uh, excuse me po Ma'am. Pinapatawag na po kayo ni Madame sa loob." Agad akong napahiwalay kay Rayver at napatingin sa isa naming katulong na pulang-pula na ang mga pisngi habang pabalik-balik ang mga mata sa amin.
"Uh, okay, we'll be there." Tumango siya at agad nang umalis. I sighed heavily and glanced at the night sky before facing Rayver.
"Let's go back, but you have to fix yourself first. You're a mess." Pinasadahan ko ang magulo niyang buhok, ang namumula niyang ilong at ang gusot niyang coat. Nagbaba siya ng tingin at nahihiyang ngumisi.
"I'm sorry, mauna ka na. Susunod lang ako." Tumango ako at napatitig sa kanya nang nag-aalinlangan siyang lumapit sa akin. Nagtaas ako ng kilay upang hindi siya magdalawang-isip.
Ngumiti siya at hinalikan ako sa labi. Natigilan ako. Ilang segundo iyong nakalapat bago siya humiwalay sa akin. Napakurap ako habang nakatitig sa kanya. My first kiss...
"I love you, Hera." My lips parted, unable to know what to say.
"You don't have to say anything, sapat na ako sa ganito." agap niya nang makita ang ekspresyon ng mukha ko. Napatango na lamang ako at nauna na sa loob.
I was preoccupied the whole night. Gabriel couldn't leave my mind hangga't sa pagtulog ko. My dream was still about him. That moment when he was just staring at us blankly and turned his back on me.
It kept on replaying on my head. I don't know what kind of spell he had on me that even in my dreams, he was always there. No one else but him. I wasn't even able to think about my stolen kiss. It was all him.
The next days were nothing but emptiness. Rayver was back, at hindi ko na nakita pa si Gabriel. Even when I was purposely hanging around the Senior high building just to see a glimpse of him, wala pa rin.
There was no sign of him, even his shadow. That left me thinking that he purposely hid himself from me, kasi kung hindi, ba't hindi pa din nagtatagpo ang mga landas namin diba?
I was thankful with our school stuffs because I was able to forget about him for awhile. I'll be graduating in four months, kaya marami kaming ginagawa. I just have to wait for four months...
Nang magpasko ay nagpunta kami ng Australia at sa Melbourne namin ipinagdiwang ang pasko at bagong taon. Mga ilang linggo din kaming namalagi doon bago kami umuwi sa Pinas. The break was over kaya balik eskuwela na.
Ang dami dami na naming ginawa, we were so worked up that I wasn't able to do my usual routines at home. Palagi na akong tumatambay sa kwarto ko para mag-aral. Siyempre ayaw kong mababa lang ang grade ko kaya nag-aral akong mabuti.
Nang sa wakas ay nagkaroon ako ng libreng oras ay sinulit ko na iyon at nagpasyang bumisita sa talon at maligo. It's been awhile... Kung noon ay ayaw kong pumunta dahil sa huling alaala ko doon, now I want to go back there at magbakasakaling nandoon siya. Just a glimpse and I'm good.
BINABASA MO ANG
Maybe, Probably 1
RomanceHera Maureen Guevarra has always thought that life outside their huge black gate was vivacious. She always envied the other kids for having to spend their childhood well while she's... just with her dolls in their big mansion. God knows how often, s...