Kabanata 4

21 4 0
                                    


Kabanata 4

I'm sorry




Nang sumapit ang hapon ay natapos din akong mag-ayos. Dumating na ang ilan sa aming mga bisita kaya bumaba na ako at kumausap sa aming mga bisita.

"Hera! Happy birthday! Mas lalo kang gumaganda habang tumatanda." Kumento ng isang amiga ni Mommy.

Nahihiya akong ngumiti. "Thank you po Tita."

Nagpaalam din naman ako pagkatapos sagutin ang ilan sa mga tanong niya. Sumilip ako sa cellphone ko at tiningnan kung meron bang text si Irish pero nabigo ako nang wala. Bumuntong-hininga nalang ako at nagtipa ng message.

Hera:

Hey Irish, where are you now? My party started a few minutes ago already. Are you lost? Please text me back asap.

I pursed my lips and waited for her reply. I'm very worried if she's really lost thoigh. Sabi niya kasi ay pupunta siya, pero ilang minuto na ang lumipas ngunit wala pa din siya.

My phone vibrated. I sighed in relief when I saw it was her reply.

Irish:

I'm sorry, I took so long. Don't worry, I'm on the way na. And I'm certainly not lost. There was a problem with your gift, but I already took care of it. Malapit na 'ko.

My worries subsided seeing her reply. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at binulsa na ang phone ko. I should just wait for her then.

"Hey, Hera. Happy birthday!" Napatingin ako sa isang lalakeng anak ng kaibigan ni Daddy.

Ngumiti siya sa akin at pinasadahan ng haplos ang kanyang buhok na naka-ayos. Ngumiti ako ng tipid sa kanya.

"Thanks." He chuckled and winked at me.

I raised my eyebrows at his flirtatious action. Sino ba 'to? Hindi ko naman to kilala pero kung makaasta parang close kami ah?

Naiiling nalang akong umalis sa kanyang harapan. Ngumingiti ako sa mga bumabati sa akin pero hindi na ako nakipagkuwentuhan pa. Maraming mga classmates at teachers ang nagpunta ngayon dahil inimbitahan sila ni Mommy. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa silang imbitahan ga'yong hindi ko naman ka-close ang mga classmates ko.

Nakita kong naglakad si Mommy palapit sa akin kaya sinalubong ko na siya. "Hera, are you enjoying the party?" Tanong ni Mommy.

Matamis akong ngumiti sa kanya at tumango. "Yes, Mommy. Thank you for the party, I really appreciate it." Ngumiti siya at hinalikan ang aking noo at saka hinaplos ang aking mukha.

"I'm glad you liked it. By the way, where's your bestfriend? I was looking forward to meeting her." Ngumuso ako. "She'll be late, Mommy. But don't worry, ipapakilala ko agad siya sayo once na dumating na siya."

Tumango siya sa akin at nagpaalam na nang tinawag siya ng mga amiga niya.

Kumuha nalang ako ng isang tubig mula sa dumaan na waiter at naglakad papunta sa malawak na terrace ng aming mansyon at doon tumambay, tanaw ang mga tao mula sa malapad naming garden.

Maybe, Probably 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon