MY SUPERSTAR 29

653 32 3
                                    

Nagkagulo ang mga tao sa venue dahil sa magkakasunod na putok ng baril. Nakita ko si Carmi at ang magulang nito na inaalalayan ng mga bodyguards nila palabas ng venue. Tatahakin ko sana ang direksyon kung saan sila patungo para habulin sila pero may humawak sa kamay ko para pigilan ako.

"We need to leave this place, Yuri".

It's Jae.

"No. I will make sure that I will put her in jail. You can go ahead. I can handle this".

"I will not leave you here alone. Let's go".

"Jae, you know how much I badly needed to do this and I will not let this day end without putting her in jail".

I didn't wait for his response. Tumakbo ako palabas ng venue at hindi na ako lumingon pa kahit ilang beses akong tinawag ni Jae. Sumakay ako sa sasakyan ko. Hindi siya pwedeng makatakas. Hindi ako papayag na mauwi lang sa wala ang lahat na plinano namin. 

Nakita ko ang mga bodyguards ng pamilya ni Carmi na papasakay sa isang itim na van. Katabi ng sasakyan nila ang isang itim na BMW na alam kong pagaari ni Carmi. Nauna ang itim na van habang ibang direksyon naman ang tinahak ng sasakyan ni Carmi.

"Kailangan mong makapagisip ng maayos".

Mahinang usal ko sa sarili ko. Alam ko na mapapansin niya ako kapag sinundan ko ang sasakyan niya. I know I am running out of time kaya sinundan ko na siya. Habang sinusundan ko siya tinawagan ko si Jae.

"Where the hell are you?!!"

Napapikit pa ako ng marinig ko ang boses niya. Bibihira ko lang makitang galit si Jae pero ngayon alam kong galit talaga siya.

"Jae, I know you're worried but let me handle this. Can you try to check if the mini recorder chips attached to my clothes are working properly?"

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya alam ko na kilala niya rin ako. Kahit anong pagpigil niya sa akin hindi niya ako mapipigilan sa gusto kong gawin.

"Jin will kill me if he will know about this, Yuri".

"Just check the mini recorder chips if they are working". Sagot ko sa kanya na medyo iritado na. Saka ko na iisipin si Jin kapag naayos ko na ang lahat ng 'to.

"Put down your phone and talk". Sinunod ko ang sinabi niya at sinubukan kong magsalita.

"How was it? Is it working?"

"Yes, your voice is clear, Yuri. Now tell me your plans and where is your exact location? I can't locate you. Is your GPS working?"

"My GPS is working, Jae. It's not disabled. I don't know where I am but I'm following Carmi's car". Narining ko ang sunod-sunod at malulutong niyang mura sa kabilang linya. Some of his cursed words were in Korean pero naiintindihan ko iyon.

"Jojdwaess-eo!!!" [Trans: Fucked up]

"What are you thinking?!!! Why are you following her? Yuri, it's a trap! You need to listen to me..you'll be in danger".

"Jae, I have waited for this moment to come. All of the training I have been through with you and all of the struggles I have faced..I know I am ready".

Una pa lang alam kong alam ni Carmi na sinusundan ko siya at hindi rin ako tanga para hindi mahalata o mapansin na hindi man lang siya nagpapanic na may sumusunod sa kanya. I'm just driving 50km/hr, normal na takbo ng isang sasakyan, para lang akong nagjojoyride at walang hinahabol. I'm adjusting on my car's speed kasi nakadepende ako sa takbo ng sasakyan ni Carmi.

Inayos ko ang sarili ko ng biglang tumigil ang sasakyan niya. Tinago ko ang baril sa likod ko at nilagay ang self defense knife sa ilalim ng boots ko. Umibis siya sa sasakyan niya kaya bumaba na rin ako. She keeps her distance from me but I moved a little bit closer to her.

My Superstar 0.2 (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon