Nalaman kong umuwi si JD from US for vacation kaya hindi na ako nagatubiling tawagan si Jin para makita ang anak ko. At first I thought hindi siya papayag pero nagulat ako ng sinabi niyang itext ko sa kanya kung saan kami magkikita para maihatid niya si JD. Nasasabik akong mayakap ng mahigpit ang anak ko. Sobrang miss na miss ko na siya. Ilang beses akong napatingin sa relo ko. I'm waiting for them to come. Pinili ko ang isang tagong restaurant at hindi masyadong tinatao ng ganitong oras.
I'm checking my phone when I noticed someone is standing in front of me. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko and I got teary-eyed the moment I saw my son. Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit. Ang laki na niya.
"I'm going to leave you here with your mom. Just call me once you're done talking". Tumango si JD kay Jin ng marinig niya ang sinabi ng daddy niya.
"What do you want to eat, baby?" tanong ko sa kanya habang hawak ko ang menu. He looks at me as if he's memorizing my face.
"Gusto mong ikaw na lang ang pumili ng kakainin mo?" iniabot ko sa kanya ang menu pero umiling siya kaya ako na lang ang pumili ng kakainin niya. Tinawag ko ang waiter at umorder ng pagkain naming dalawa.
"I will get you from your dad, JD. Isasama na kita sa Pilipinas at don ka na magaaral". Hindi ako nakakuha ng reaksyon sa kanya pero napansin ko agad ang pagsilay ng lungkot sa mukha niya.
"No, mom. I'll stay with dad".
"Why? Ayaw mo na bang makasama, anak? You didn't miss me?" tanong ko sa kanya.
"I'm tired, mommy". Napakunot noo ako sa sinabi niya. Tired from what? Pagod ba siya kasi kakadating niya lang galing US?
"You can still spend some time with your dad on your vacation. Next week I can book a flight to the Philippines and spend the rest of your vacation in Siargao or in Manila".
"No, mommy. I will stay here with daddy". Mariing sagot niya sakin. Pilit akong ngumiti sa kanya kahit ang bigat sa loob na mas pinipili niyang manatili sa daddy niya kesa sakin.
"I'm tired of transferring from one school to another. Ilang beses na akong nagpapalipat-lipat ng school mommy gusto ko isang school na lang ako. Aren't you tired of fighting? Hindi ba kayo napapagod ni daddy magaway? Kasi ako mommy pagod na pagod na. Ayaw ko na ng ganito. Palagi niyo lang iniisip ang sarili niyo. How about me? Pano naman ako? Hindi niyo ba naisip na kung naaapektuhan kayo mas naaapektuhan ako kasi hindi ko na alam kung pano pa kayo magkakasundo. If I'm going to stay with you..how about daddy? Pano siya?" He is already 9 years old. Kahit nasaktan ako sa mga sinabi niya hindi ko maiwasan ang hindi matuwa kasi masyado na siyang matured mag isip. Well, kahit noong maliit pa siya ganyan na talaga siya mag isip.
"Pero anak..sa US mag isa ka lang. You are living there alone".
"I'm not living alone, mommy. I'm living with uncle and auntie. They are very nice to me and dad visits me every month". Nasa US ang kuya ni Jin at ang asawa nito kaya kahit papano napanatag ako na may tumitingin ako kay JD pero iba parin kapag kasama ko siya.
"Are you not happy with mommy anymore?" tanong ko sa kanya. He slowly lift up his head and I saw the loneliness in his eyes.
"Mommy, why do I need to choose between you and daddy? You are both my parents. I love you both. Kapag pumili ako ng isa sainyo..masasaktan ang isa. That's why I agreed to dad na kailangan ko lumipat sa US. You can visit me there, mom".
"Anak, you're all I have. Ikaw na lang ang meron ako. Hindi ba pwedeng sumama ka na lang sakin pauwi ng Pilipinas para may kasama ulit ako? We have a new house, baby. Hindi na tayo titira sa condo. Hindi ba yon naman ang gusto mo? Sabi mo sakin dati gusto mo tumira sa mismong bahay? We have a huge house anak. Mag isa lang si mommy nakatira don. Ayaw mo ba akong samahan?" hindi ko maiwasan na maging garalgal ang boses ko. I can't imagine that this day would come. Hindi ko inaasahan na pati sa anak ko kailangan kong maglimos ng atensyon at pagmamahal.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.2 (Ongoing)
FanfictionI'll never love anyone as much as I love you, even after all these years, I'm sure of it. Great loves are hard to come by and some people never get the chance to experience even one. At least I had that with you, however temporary. I know one day...