Inabot ko sa kanya ang plane ticket at ang tseke. Matagal niya itong pinagmasdan at bigla siyang napailing at tinulak palayo ang tseke na nasa loob ng sobre.
"Ma'am, hindi ko po ito matatanggap. Sapat na po ang makauwi ako ng Pilipinas dahil sa tulong niyo. Sobra-sobra na po ito".
"Tanggapin mo na. Bayad ko yan sa'yo sa pag-aalaga mo kay Nari sa loob ng ilang araw. Alam kong malaking tulong 'yan sa'yo at sa pamilya mo pagbalik mo ng Pilipinas. Huwag ka ng mangibang bansa ulit kung magti-TNT ka lang naman. Maliwanag ba?"
Napayuko siya bigla dahil sa sinabi ko.
"Opo, ma'am. Napakabuti niyo po. Maraming salamat po. Tatanawin ko pong malaking utang na loob ito sa inyo".
Isang pilit na ngiti ang itinugon ko sa kanya.
"Pagdating mo ng Manila, pumunta ka ng Ortigas at hanapin mo ang Dale Lmtd. & Co., Look for Charmaine Ordanza. Sabihin mo sa kanya na kakilala mo ako at ako ang nag-utos sa'yo para pumunta do'n. Nasa sobre na 'yan, kasama ng tseke ang sulat ko para sa kanya. Sinabihan ko siyang bigyan ka niya ng maayos na trabaho. Kung magkakaproblema ka, tawagan mo ang numero sa calling card na nakaipit sa sulat. That's Angel Park, co-owner ko sa Dale. Siya ang tutulong sa iyo".
"Pero kasi ma'am..ano po kasi..hindi po ako nakapagtapos ng college. First year college lang po ako ng kinailangan kong huminto sa pag-aaral".
"It doesn't matter. As long as you're willing to undergo training and you're willing to learn, hindi kami tumitingin sa educational attainment ng mga empleyado namin. We have a lot of undergraduate employees".
We train our employees so that we can enhance their potential whether they are degree holders or not. Kasi naniniwala kami ni Angel na lahat ng tao ay may kanya-kanyang expertise. Hindi lang nila ito kayang madiskubre sa sarili nila minsan kaya tinutulungan namin silang i-enhance ito.
"Maraming salamat po talaga, ma'am. Sana po pag-uwi niyo ng Pilipinas ay magkita ulit tayo".
Pawang kibit-balikat lang ang itinugon ko sa kanya kasi hindi ko alam kung makakauwi pa ba ako ng Pilipinas o hindi.
"Salamat, Rose. Sige na umalis ka na baka mahuli ka pa sa flight mo".
"Paano po si Nari, ma'am?"
Nag-aalalang tanong niya sa akin.
"Don't worry. I will take care of her. Pasensiya na hindi kita maipapahatid sa airport, may lakad din kasi kami mamaya".
"Ayos lang po, ma'am. Magtataxi na lang po ako papuntang airport".
"Sige na, magpaalam ka na sa alaga mo. Alam kong naging malapit din siya sa'yo kahit ilang araw lang kayong nagkasama".
Pumanta siya saglit sa kuwarto para silipin si Nari. Saktong pumasok naman sina Il-Sung, Dung-Woo at Chun-Soo — ang mga dating tauhan ni Jae na siyang tumutulong sa akin ngayon.
"Everything's ready?"
Tanong ko sa kanila.
"Yes, ma'am".
Sabay-sabay na sagot nila sa akin. Lumapit sa akin si Dung-Woo at ibinigay ang isang itim na bag.
Tumambad sa akin ang dalawang dekalibreng mga baril ng buksan ko ito. Lumapit sa akin si Il-Sung at dinampot ang isa sa mga baril.
"This is 9MM. This is the most popular handgun caliber in the world. This carries 17 bullets in the magazine plus one in the chamber, for a total of 18 bullets. The second one is 45ACP. This is the second most popular caliber. This carries 7 bullets in the magazine plus one in the chamber, a total of 8 bullets".
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.2 (Ongoing)
FanfictionI'll never love anyone as much as I love you, even after all these years, I'm sure of it. Great loves are hard to come by and some people never get the chance to experience even one. At least I had that with you, however temporary. I know one day...